Chapter 45

1.9K 42 4
                                    

Aria's POV


"Tumabi nga kayo diyan. Bakit ba kayo nandito sa desk ko?" Kunot-noong tanong ko sa kanila dahil pagkatapos ng class ay dito na agad sila dumiretso sa akin. "May training pa ako mamaya. Kung tumatabi kayo edi sana natapos na ako sa pag-aayos ko ng gamit?"


"Anong training? Maayos na ba yang paa mo? Hoy! Sabi nung doctor bawal mo pa raw pwersahin yan!" Reklamo agad ni Kohen kaya masama ko agad siyang tiningnan.


"Ano bang nangyayari sa inyo? Halos ilang buwan na ang nakalipas kaya nga nagliligpit na ako dahil bakasyon na eh." Gusto kong upakan si Kohen. Ilang buwan na ang lumipas simula nung umalis si Luke. Pero ilang buwan na nga halos at hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Pero ayokong ipakita sa mga taong nasa paligid ko yun. As much as possible, ayokong magpakita ng kahit anong nararamdaman ko. Hindi ako takot na mahusgahan ng iba. Natatakot akong mahusgahan ng sarili ko.


"Ay... bakasyon na pala? Ang bilis lang ng araw. Hay nako. Pero teka, anong training? Eh bakasyon na nga?" Naguguluhan na tanong ni Kohen sa akin.


"Tangek! Last na laro niya ngayon bago magbakasyon. Kukunin mo lang ang mga gamit mo hindi ba?"


"Yes, tama ka diyan Mav." Napapatangong sabi ko sa kanila at iniligpit na ang mga gamit ko.


Last week pa natapos ang finals and wala naman na akong kailangan na icompile dahil okay na ang grades. Hindi ko na kailangan asikasuhin yung mga students na kailangan magsummer. Kailangan ko rin ng bakasyon noh. Marami pa akong series na nakalinya sa notes ko.


"May balita pa ba kayo kay Luke?" Napatigil ako sa tanong na yun pero hindi ako nagpahalata. Hindi ko naman sila pinipigilan na pag-usapan si Luke kapag kasama nila ako dahil kaibigan din nila yun. Isa pa, kahit naman sino mamimiss siya.


Minsan napapatanong ako. Kumusta na kaya siya sa Arpazia? Is he leading his people right? Is he eating properly? Sleeping properly? Sa dami ng ginagawa ng isang Prinsipe sa isang kaharian, wala kahit isa doon ang sigurado akong okay siya.


"Balita ko malapit na ang coronation niya. Nanonood na ako ng news ngayon eh." Nagyayabang na sabi ni Jasmine. "Ang gwapo ni Luke noh? Baka kaibigan natin yan."


"Luh? Lakas ng loob nito. Ikaw nga ang ayaw makipagkaibigan doon nung una." Reklamo ni Kohen kaya sinamaan agad siya ng tingin ni Jasmine. "Samantalang ako, nauna pa ata ako kay Aria. Nung nakita ko palang si Luke, alam ko ng may something sa kaniya."


"Alam mo maniniwala na sana ako sa sinasabi mo kung hindi mo sinabing nauna ka pa kay Aria. Dahil si Aria ang pinakaunang nakapansin kay Luke dito. Mema ka, tanga." Natawa agad ako sa sinabi ni Mav kaya nagtinginan sila sa akin.


"B-bakit?"


"Namiss kitang tumawa ng ganon." Oa na sabi ni Jasmine at kunwari pang nagpunas ng luha. Para silang tanga dahil niyakap niya pa si Kohen na nagugulat din na nakatingin sa akin.


"Aalis na ako. Message niyo nalang ako kapag nakauwi na kayo."


"Teka——" sabay-sabay na sigaw nila pero naglakad na ako papaalis at dumiretso sa locker area ng volleyball club. Medyo palubog na rin kasi ang araw ngayon kaya iilan nalang ang estudyante dito. Dumagdag pa ang napakalakas na ulan. Isa din sa dahilan kung bakit ako pupunta sa locker ay dahil baka may payong ako doon. Wala kasi talaga akong payong jusko. Hindi uso sa akin yun.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now