Chapter 07

2.3K 44 5
                                    

Aria's POV


"Uuwi na ako," Agad niyang inagaw sakin ang salamin niya at tinalikuran na ako na ikinatawa ko kaagad. Ang sungit.


Kinabukasan, maaga akong pumasok ulit para mag-ayos ng room dahil inaasahan kong magulo yun. Tss. Wala kasi ako kahapon kaya malamang, may mga tumambay pang student dito matapos nilang maglinis. Kapag wala kasi ako, si Sophia ang tumatayong class rep. Madalas namang wala ako kaya kailangan talaga namin ng ganon.


"Anak ka ng!!" Napahawak pa ako sa dibdib ko nang makita si Luke na kasabay kong pumasok ng pintuan. "Hindi ka man lang nagsasalita!!!"


"Anong sasabihin ko sayo?" Kunot-noong tanong niya at nauna ng pumasok. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin bago pumasok sa loob ng room. Inilagay ko pa ang ilang books ko sa ilalim ng table ko bago pumunta sa harapan para tingnan ang mga papel doon. Nandoon pa rin ang excuse letter ko kaya kinuha ko na yun at inilagay sa bag ko.


Wala sa sarili pa akong napatingin kay Luke at nanibago ako bigla dahil hindi na ulit blue ang mata niya. Black na naman yun. Hindi kaya namalikmata lang ako nun?


"Hoy!" Napaiwas agad ako ng tingin kay Luke at tumingin sa taong kararating lang.


"Ang aga mo ah." Bungad ko kay Mav nang makita siyang pumasok dito sa room. Napatingin pa siya kay Luke sa likuran bago ngumiti sakin.


"Kumain ka na, Aria?"


"Oo... sa bahay. Bakit?" Ibinaba niya pa muna ang bag niya bago may kinuha doon. Napamaang ako nang ilabas niya ang isang tupperware ng cupcake. May icing pa yun. Oh my god. "Nagbake ka?"


"Obvious ba? Gusto mo?"


"Malamang! Paborito ko kaya yan!" Kinuha ko agad sa kaniya ang lalagyan at binuksan yun. "Mav, alam mo magtayo ka na ng business na ganito. Willing akong tumulong."


"Ang dugyot, Aria." Reklamo niya at pinunasan pa ang bibig ko na may icing ata. "Pero nag-iisip din ako ng ganiyan. Hayaan mo.... kayo naman ang unang makakaalam kapag na-finalize na ang isip ko."


"Sige. Sabihan mo ako ha. May ipon pa naman ako. Pwede ng idagdag." Napapatangong sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya na parang natuwa talaga siya sa sinabi ko.


"Sabi ko na nga ba at may nangyayaring dayaan dito eh!" Biglang dating ni Kohen at dumiretso agad sa akin para kumuha ng cupcake.


"Hoy! May kagat ko na yan!" Reklamo ko sa kaniya nang kunin niya pa talaga yung hawak hawak ko! "Kapag ako talaga may virus, mamamatay ka na rin! Tanga ka! Kadiri ito ang dami namang bago... yung akin pa ang kinuha!" Masama talaga ang loob ko dahil inipon ko ang icing nun. Parang gago naman kasi itong si Kohen. Halatang hindi mahal ng magulang niya.


"Sakin ka pa nandiri, Aria. Eh yung dinuraan ko ngang tubigan mo dati, ininuman mo pa rin." Agad ko siyang hinampas sa braso nang sabihin niya yun. Natawa naman agad si Mav dahil naalala din yung araw kung saan konti nalang mapapatay ko na si Kohen. High school pa kasi kami nung nangyari ang insidenteng yun. Ni hindi ko nga alam na dinuraan niya pala yung tubigan ko. Kagagaling ko lang kasi ng training tapos nanonood sila.


Nagtaka na ako nung iinumin ko palang ang tumbler ko kasi tumatawa sila kaso uhaw talaga ako kaya mas lalo lang natawa ang mga kaibigan ko nung nainuman ko na talaga. Tinanong ko pa sila kung anong problema pero pare-parehong hindi sumagot sa akin. Yun naman pala... may laway na ni Kohen. Kulang nalang talaga hindi ko siya kausapin nung araw na yun! Nakakadiri!


Captivated By His Enchanted EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon