Chapter 12

2K 40 1
                                    

Aria's POV


"And about your favor," diretsong sabi niya na ikinaangat na ulit ng tingin ko. "Sorry. But I already like someone." Lumabas na agad siya matapos sabihin yun. Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. May gusto na siyang iba? Paano si Luke? Alam ba ni Luke na may nagugustuhan na siya? Umaasa pa naman yung isa. Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko sa lahat ng tao yung sinungaling pero hindi ko kayang sabihin kay Luke kung ano ang nalaman ko ngayong araw na ito. Ayokong masaktan ang isang yun.


Pansamantala ko munang tinanggal sa isipan ko ang bagay na yun at nagfocus nalang muna sa laro. "We only have three weeks to practice. Matagal na nating pinaghandaan ito kaya alam kong ready na kayo. Again, we need to win. Do anything you can to win." Anunsyo ni Coach bago kami pinag-warm up para sa laro. Six by six na naman ang labanan. Kakampi ko sila Gian para ayusin ang mga atake namin.


"Siraulo ka, Gian." Natatawang sabi ko nang imbes na paluin niya ang bola, si-net niya yun papunta kay Bianca na nagulat pa ata sa ginawa nung isa.


"Hoy! Bigyan mo ko ng heads-up! Parang sira!" Reklamo ni Bianca at hinampas sa balikat si Gian. Sa akin kasi dapat ibibigay ang bola tutal ako ang setter kaso kay Bianca niya agad idiniretso kaya walang choice yung isa kundi i-spike yung bola dahil kung ibibigay niya pa sa akin yun, wala na kaming defense. Pfft.


"Parang ang sarap ng samgyupsal," Rinig naming sabi ni Blake nang masalo niya ang bola ng kabilang grupo. Kinuha ko din naman agad yun at agad na ibinigay kay Hazel.


"Focus, Blake!!" Sigaw ni Coach na sabay-sabay naming ikinatawa. Parang siraulo naman kasi ni Blake. Nagutom din tuloy ako.


Nagtuloy-tuloy ang laro naming yun bago naisipan ni coach na isa-isa kaming i-test sa receiving. Kinabahan agad ang mga kagrupo ko kasi mabigat masiyado ang mga hampas ni coach. Halatang may galit sa amin. Pfft.


"Blake, ikaw na," Natural na sabi ko na ikinalingon niya.


"Dalawin niyo nalang ako sa hospital ah." Pagbibiro niya na ikinatawa naming lahat bago nagpractice ng receiving. Dinampot ko pa yung isang bola bago chineck ang pangalan ni Blake sa record sheet na ibinigay ni Prof.


"Nanakit ang buong katawan ko, potah...." Reklamo ni Phoebe na nakaupo doon sa sahig. Kakatapos lang kasi nila kay Prof. Ako ang huli kaya nagre-ready na rin ako dahil ako na ang kasunod ni Blake.


"Sakto lang naman yung impact ah. Masakit ba?" Inosenteng tanong ni Hazel na ikinangiwi nung tatlo at ng iba pa naming teammate na natapos na. Kaso hindi pa kami pwedeng magpahinga kaya nagpapractice yung iba ng service at spiking.


"Huwag mo nga muna ako kausapin Hazel at baka hindi kita matantsa," Natatawang sabi ni Bianca at wala sa sariling napatingin sa mga bench dito sa court. "Shocks!! Ang pogi talaga ni Allen!! Ako ba ang sinusundo niya?" Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin kay Allen na bahagya pang tumingin sa akin bago tuluyang umupo sa isang bench. Inilabas niya pa ang laptop niya.


Hindi niya ba napansin kung paano kiligin ang mga tao dito dahil sa pagdating niya? Halos lahat ng kateam ko ay halatang may paghanga kay Allen. Tss.


"Allen! Sinong hinihintay mo????" Tanong ni Gian sa kaniya na nakakuha ng atensyon niya. Nakalimutan kong magkaklase nga pala silang dalawa kaya normal lang na magkakilala sila.


"Your captain,"


"Yieeeee!!!!!" Pang-aasar agad nila nang sabihin ni Allen yun. Tss. Talaga naman. Hanggang dito??


Captivated By His Enchanted EyesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin