Chapter 47

1.9K 53 0
                                    

Aria's POV


Gusto kong matawa nang bahagya pa siyang kumaway sa mga tao bago naglakad palapit sa King and Queen. The King even laughed. Shocks! Bigla akong nahiya! Hindi ko alam kung anong sinabi niya pero nagulat nalang ako nang bigla akong alalayan ng isa sa royal guard at tinulungan akong makaalis doon sa gitna. May mga nakapansin doon pero sa sobrang hiya ko, hindi nalang ako nagpahalata na napansin ko.


"Uncle Jeff!" Tuwang-tuwa na sabi ko at tumakbo agad sa kaniya para yumakap. Natawa naman siya agad at ngumiti sa akin matapos tingnan ang mga kaibigan ko na bumati sa kaniya. Nandito na kami sa labas ng plaza. Natanaw ko na rin ang mga sasakyan nila Luke. Agaw pansin kasi yun dahil ang daming nakapark. Sunod-sunod talaga.


"His royal highness still have things to do. Ako na po muna ang bahala sa inyo. Follow me, ma'am and sir." Nakangiting sabi niya at itinuro sa amin ang daanan kaya sumunod na kami sa kaniya. Sinenyasan niya pa ang ibang royal guards na kunin ang mga maleta na dala namin. Sa isang van kami sumakay papunta sa palasyo. Tumango pa nga sa amin yung driver. Nakakailang naman ito.


"Paano po namin kayo i-aadress?" Naiilang na tanong ni Sophia kay Uncle Jeff na natawa pa muna sa amin. Kahit kasi ako gusto yun itanong. Bawal kasi ata yung Uncle Jeff. Baka mapagalitan ako.


"Pare ata pwede." Bulong ni Kohen kaya sinamaan agad namin siya ng tingin eh ang kaso seryoso ata siya doon.


"Pwede niyo po akong tawagin na Mr. Jeff or Royal Attendant Jeff. Pero kung tayo-tayo lang naman ang magkakasama, pwede niyo rin po akong tawagin na Uncle o kaya naman——pare." Sabi niya habang nakatingin kay Kohen kaya sabay-sabay kaming natawa. Nangunguna si Jasmine na hinampas pa sa balikat si Kohen na sinamaan lang lalo siya ng tingin.


"Pupunta na po ba tayo sa palasyo?" Tanong ni Mav na ikinatango agad ni Mr. Jeff. Sasanayin ko na ang sarili ko sa mga tawag dito.


"Yes, Miss Sophia. The Queen and King ordered me to accompany you for a while dahil nagmamadali ng umuwi si Prince Hayden after seeing Miss Aria." Sinundot agad nila Sophia ang tagiliran ko na ikinangiti ko nalang. Kinikilig din. Para naman kasing timang. Oo na nga!! Kinikilig na ako!!


"Ang babait ng mga tao dito noh Mr. Jeff? I mean, kanina nung tinawag kami nung royal guard wala silang ginawa. Ngumiti pa nga sila sa amin eh." Sumang-ayon agad sila Sophia sa sinabi ni Jasmine. Ako lang ata ang hindi nakapansin dahil nakatingin ako sa sahig kanina.


"They are like that because they already know who you are."


"Po?" Tanong ko agad na ikinangiti niya at itinuro pa ang hoodie na suot ko.


"That hoodie. Isa lang ang nagmamay-ari niyan sa buong mundo. Only the Prince Hayden of Arpazia. And one of his speech, sinabi niya na nasa babaeng nagugustuhan niya ang hoodie na yan that's why some of them greeted you earlier. Mukhang naalala ang bagay na yun." Gagi?? Kaya naman pala kahit yung taxi driver ganon ang ngiti sa akin!! Alam niya na ang tinutukoy nila Jasmine na asawa ko ay si Luke??? Shocks!! Nakakahiya!!!


"Mr. Jeff, may tanong po ako," Kunot-noong sabi ni Kohen na nakakuha agad ng atensyon ni Mr. Jeff. "May mga pinsan ba si Luke na nandito sa Arpazia?"


"Yes, Mr. Kohen. Makikilala niyo po sila sa mga gatherings ng royal family. Even some royal family of other country. You will meet them someday."


"Nakaka-excite naman." Nakangising sabi ni Kohen na ikinailing ko nalang bago tumingin sa labas ng bintana at napamaang nang makita ang napakalaking palasyo sa harapan ko.


Captivated By His Enchanted EyesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant