Chapter 28

1.9K 36 4
                                    

Aria's POV


"Para namang mag-asawa kayo sa paraan mo ng pagtatanong." Natatawang sabi ni Mav na nakakuha ng atensyon ni Luke pero lihim na akong natawa dahil ganon din ang dating sa akin. Anong klaseng tanong kasi yun? Madalas kasi 'pwede ba kitang makausap?' Pero sa kaniya, 'pwede na ba kitang makasama?' Pfft.


"Tinatanong ka ni Luke," Nakangiting sabi ni Sophia kaya palihim ko agad siyang pinandilatan ng mata. "Pwede ka na daw ba niyang makasama?"


Parang timang si Sophia!


Inaano ko ba siya????


Kunot-noo kong tiningnan si Luke na nakatingin na sa akin ngayon ng diretso. Nakakainis ang ganong mga tinginan niya. "Oo na. Maliligo lang ako." Kita ko agad ang pagngiti niya sa sinabi ko. Tingnan niyo! Ganiyan! Ganiyan ang itsura ng mga taong pafall tapos hindi naman marunong mangsalo! Tss.


Umakyat na ako sa kwarto ko ng nakangiti!! Parang tanga lang dahil kahit sa pagligo ko ay nakangiti ako. Hindi na talaga healthy si Luke sa buhay ko. Nagiging weirdo na ako.


Nag-leggings lang ako na black at white-shirt bago nagsuot ng pair na white shoes. Balak ko rin iipit ng isang buo yung buhok ko pero mamaya na kapag natuyo na. Nag-apply na rin ako ng powder and liptint tsaka mascara. Ganiyan naman ang normal na look ko kaya mabilis nalang talaga ako nakakapag-ayos. Tsaka hello? Hindi ako marunong magmake-up. Kung marunong lang ako kagaya nung iba, baka nag-make up na rin ako. Ang galing naman kasi nun. Amaze talaga ako sa marurunong magmake-up.


"Tito, payag ka na ba dito kay Luke?" Rinig kong tanong ni Kohen kay Papa nang makababa ako ng hagdanan. Napatingin pa silang lahat sa akin pero napunta na ang atensyon ko sa bahagyang paghampas ni Luke kay Kohen. Pfft. Komportable na talaga siya sa mga kaibigan ko.


"Oo naman. Kay Luke lang naman ako payag. Hindi ba, anak?" Nakangiting tanong ni Papa na ikinangiti na rin ni Luke. Anak na talaga ang tawag niya kay Luke. Napailing nalang ako at dinampot ang wallet ko doon sa lamesa sa living room namin kung nasaan sila.


"Tara na." Yaya ko sa kanila kaya nagkanya-kaniya na silang tayo. Lumapit naman agad sa akin si Luke at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Ano? Anong kailangan mo sa akin?"


"Ako na magdala niyang wallet mo." Napangiti naman ako agad at ibinigay sa kaniya ang wallet at cellphone ko. Gusto niya daw na siya ang magdala eh. Pabor din naman sa akin.


"Alis na po kami."


"Sige. Mag-ingat kayo." Nakangiting sabi ni Mama kaya kumaway na rin sa kaniya sila Jasmine na nauna pang maglakad papunta sa sakayan ng bus.


"Anong naisip niyo at nagyaya kayo lumaboy ngayon?" Kunot-noong tanong ko na ikinangiti nilang lahat.


"Eh ang tagal mong nawala. Tapos galit ka pa nung bumalik ka kaya naisip namin na bumawi. Tsaka ito na rin yung unang labas natin na kasama si Luke. Hindi ba?" Sabi ni Jasmine sa akin na tinaasan pa ng kilay si Luke na ngumiti lang sa kaniya.


"Hindi ka na kaya namin naabutan kahapon. Saan ka ba pumunta? Bigla ka nalang nawala." Kunot-noong tanong ni Sophia.


"Ah... nakausap ko si Allen."


"Oh? Anong pinag-usapan niyo? Yung naudlot niyong pag-iibigan?" Barumbadong tanong ni Kohen kaya natahimik kaming lahat. Narealize niya rin naman agad yung sinabi niya kaya dahan-dahan siyang ngumiti. "Hehe, issaprank! Prankster kasi talaga ako, guys."


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now