Chapter 23

1.9K 34 7
                                    

Aria's POV


Nakakaloka ang Aspen nang pumasok kami kinabukasan. Merong malaking-malaking tarpaulin sa main building kaya every time na nakikita ako ng mga student sa Aspen, nginingitian nila ako. Nakakahiya naman! Malamang sa malamang si Coach Wen na naman ang nagpauso niyan.


"Nandiyan na nga ang bida ng istoryang ito," Nakangising sabi ni Jasmine nang makapasok ako sa room namin. Napapailing akong umupo sa upuan ko dahil pinalibutan agad nila akong apat. Umupo pa sa table ko si Kohen kaya hinampas ko agad ang binti niya gamit ang libro.


"Pasalamat ka at nanalo kayo kaya hindi kita sasaktan." Inismiran ko nalang siya bago tiningnan si Mav na hindi makatingin sa akin ngayon.


"Mav, ano?"


"Huwag mo nga ako kausapin, Aria." Sabi nito na ikinatawa ko lalo kaya nagtaka na sila Jasmine.


"Anong nangyari sayo?" Kunot-noong tanong ni Sophia. "Anong ginawa mo kay Aria?"


"H-ha? Pinagsasasabi mo diyan?? Wala akong ginawa ah. Mapagbintang ito." Reklamo niya kay Sophia bago ako sinamaan ng tingin. "Tumigil ka na nga diyan, Aria. Kung ano-ano na tuloy pinagsasasabi ng mga ito.... huwag mo akong tingnan ng ganiyan Kohen! Mukha kang tanga."


"Inaano kita?? Ngumingiti lang ako rito."


"Yung ngiti mo mukha kang gago." Natawa agad si Jasmine sa sinabi ni Mav kaya sinamaan siya ng tingin ni Kohen. Nakasimangot pa siyang naglakad pabalik sa upuan niya. Masama na talaga ang loob.


"Gagi ka suyuin mo yan, Jasmine." Pang-aasar ni Sophia na ikinakunot ng noo ni Jasmine. "Baka hindi sumabay sa atin ngayong lunch yan. Lagot ka."


"Napaka-arte ni Kohen parang hindi mahal ng nanay niya." Bulong ni Jasmine bago naglakad papunta kay Kohen na tinalikuran pa siya.


"Parang mga bata hindi pa sabihin na gusto nila ang isa't-isa...." Bulong ni Mav kay Sophia na natawa din agad. Napailing pa siya bago umupo sa upuan niya na medyo malapit sa akin.


"Oo nga, parang mga bata.... hindi pa sabihin na gusto nila ang isa't-isa." Pag-uulit ko sa sinabi ni Mav kaya dahan-dahan siyang nagbaba ng tingin sa akin. "Ano, Mav? Ang weird ng ganon."



"Kapag ako talaga nagsalita, ano, Luke?!" Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya kaya nilingon ko ang pintuan sa likuran kung saan ko nakita si Luke na kakapasok lang ata dito.


"Ano?" Kunot-noong tanong niya kay Mav kaya ngumisi agad si Mav sa kaniya.


"Wala! Umupo ka na diyan." Sabi ko kay Luke na hindi na pinansin ang sinabi ko at umupo nalang sa upuan niya. "Siraulo ka, Mav!"


Nag-introduction lang naman ngayon ang mga professor dahil kakasimula lang ulit ng class. Yung iba nga ay tinamad pa magdiscuss kaya ang ending, wala kaming klase kaya maaga akong nagpractice.


"Aray ha," Reklamo ko kay Luke nang ihagis niya sa akin ang bola. "Natutuwa kang samahan ako dito noh." Kasi nagulat nalang ako paglabas ko ng locker, nandoon na siya. Gusto niya palang sumabay sa akin kaso nauna na akong lumabas sa room kanina. Nahiya na daw siyang tawagin ako kaya sumunod nalang siya.


"Wala naman kasi akong gagawin sa bahay." Natural lang na sabi niya bago kinuha ang isang bola at nilaro. Naalala ko na naman kanina sa cafeteria. Talagang sinabayan ko siya dahil baka puntahan na naman siya nila France. Mabuti nga't nung nakitang kasama ako ni Luke ay tumigil na sila. Hindi ko nga lang nasamahan kumain sila Jasmine dahil hindi pa rin ayos sa kanila na makasama sa iisang lamesa si Luke. Ayaw ko din naman sila pilitin.


Captivated By His Enchanted EyesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ