Chapter 39

1.7K 39 0
                                    

Aria's POV


Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin si Mama at si Papa na nanonood ng news ngayon tungkol kay Queen Cartha. Tiningnan agad ng mata ko ang paa ko na nakabandage na ngayon. Medyo ramdam ko na rin siya ngayon unlike nung araw na yun.


"Ma," Tawag ko na ikinalingon agad nilang dalawa.


"Aria, may masakit ba sayo? Kumusta ang pakiramdam mo? Maayos na ba? May gusto ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama at tumingin pa kay Papa. "Tawagin mo na ang doctor."


"Ayos lang ako Ma," Hindi naman kailangan ng doctor dahil hindi naman ako nag-undergo ng surgeries. "Nasan ako? Bakit ang laki ng kwartong ito?"


"Ah.. anak si Luke ang nagdala sayo dito." Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. "Wala ka ng malay nung makarating dito kaya idiniretso ka agad sa room na ito."


"How's the result? Makakalakad pa ba ako?" Nag-aalalang tanong ko kaya nagkatinginan agad silang dalawa. "H-hindi na?"


"Kailangan mo lang magpahinga at huwag daw muna ilakad pero makakalaro ka pa." Nakahinga agad ako ng maluwag sa sinabi niya. Sa wakas. Akala ko ay hindi na ako makakapaglaro ng volleyball. I can't bear that. Hindi ko talaga kakayanin. For me, volleyball is my escape from all of the things na nagpapatrigger sa emotions ko. Kung aalisin pa yun sa akin, hindi ko na alam.


Pinakain pa ako nila Mama ng agahan at makalipas ang ilang minuto, nailalakad ko naman na siya kaso kailangan pa rin talaga ng pahinga dahil sumasakit siya kapag matagal na nakatayo.


Kinuha ko ang phone ko para tanungin sila Sophia kung ano ng nangyari kila France. At kung paano nila ako nakita. Hanggang ngayon ay napapatanong pa rin ako doon.


"Pwede na daw ba ako lumabas?" Tanong ko kila Mama na kumunot agad ang noo sa akin. "Maayos naman na ako eh. Magkano rin ang bayad dito. Umalis na tayo."


"Pero anak,"


"Sa bahay nalang ako mapapahinga. Maayos naman na ako eh." ilang beses ko pa silang pinilit kaya napagbigyan na nila ako hehe.


May sasakyan na agad na nag-aabang sa amin na ikinakunot na lalo ng noo ko. Ano bang meron? Nagtataka na ako ha. Hindi na ako natutuwa dahil pakiramdam ko wala akong alam.


"Saan po tayo?" Tanong nung driver sa amin.


"Sa Aspen po."


"Anong sa Aspen? Akala ko ba uuwi na tayo?" Naguguluhan na tanong ni Papa.


"May pupuntahan lang ako. Mabilis lang, promise." Nakangiti kong sabi. Napailing nalang silang dalawa sa akin kaya natawa na ako. "Maayos na nga ako, promise!" ang bilis ko din kasing gumaling. Kahit ako nagugulat doon kaso may dala-dala pa rin akong saklay ngayon. Hay nako.


"Teka,"


"Ako nalang, Ma," Nakangiti kong sabi bago tumingin doon sa driver. "Iuwi niyo na po sila."


"Eh paano ka?"


"Kila Sophia nalang ako sasabay, Pa. ingat kayo ha." Kumaway pa ako sa kanila bago pinanood na umalis ang sasakyan. Humarap agad ako sa main building ng Aspen. Nagtaka pa ako dahil walang nakakalat na estudyante dito. Wala ring tao kaya naglakad na ako papasok sa building namin at nakita doon ang napakaraming guard na nakapila sa hallway. Ano bang meron? May nangyari ba?


Captivated By His Enchanted EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon