Chapter 37

1.7K 39 1
                                    

Jasmine's POV


Nang imessage sa amin ni Kohen yung address ng hospital ay tumakbo na agad kami nila Gian papunta doon. Kahit sila Coach Wen at Prof Ren ay kasama namin. Yung van pa ng Aspen ang ginamit. Gabi na rin ngayon at sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kinakabahan ako. Dumagdag pa yung napansin ko kanina.


Bakit parang kilala ng Queen Cartha at Princess Estella si Luke? Ganon ang naging dating sa akin kanina nung binati siya ni Princess Estella. Alam kong si Luke ang kinausap niya.


May room na agad si Aria nang magtanong kami sa doctor kung nasan si Aria. Sa VIP room pa yun. What the hell?? Puno na ba ang mga regular rooms? Or kahit private room nalang. Bakit VIP pa?


Naabutan namin sa labas si Kohen, Mav, Allen, Ross at Luke at may isa pang lalaki na nasa tabi ni Luke. Napatingin pa sila agad sa amin nang makalapit kami. Tinanaw ko agad ang nasa loob ng room at nakitang nandoon si Tita at tito. May kausap na doktor.


"Si Aria?" Kinakabahan na tanong ko sa kanila.


"Tulog na si Aria. Nagpapahinga na siya." Natural na sabi ni Ross. Nakahinga agad kami ng maluwag sa sinabi niyang yun.


"Kumusta siya?" Nag-aalalang tanong nila Hazel. Nung nalaman kasi nila na nandito si Aria sa hospital, bigla silang sumama sa amin. Nagulat din kami doon pero ano pa nga bang bago doon? Si Aria ito.


"May damage yung paa niya,"


"Ano?!" Gulat na tanong ni coach nang marinig ang sinabi ni Allen. "What happened?"


"It's about France, coach. Wala na sa tamang pag-iisip ang isang yun. Ang daming nakitang drugs sa mga bag nila and even cigarettes."


"Nasan na sila?" Tanong naman ni Prof Ren. "And his friends? Where are they?"


"Nasa presinto na po." Diretsong sabi ni Mav. Ilang beses akong napamura sa isipan ko. Gusto kong saktan si France. Baliw na siya! Nabaliw na siya! Hindi ako makapaniwala na capable ang isang tao sa ganong bagay! Naging considerate pa naman kami kay France kasi sabi ni Aria, baka daw nagsasuffer si France sa bahay nila. Hindi kami nagsumbong. Pero kung sino pa yung taong nagprotekta sa kaniya nung mga panahon na yun, yun pa ang ginawan niya ng ganitong bagay!! Kakaiba!!


Napatayo agad kami mula sa pagkakaupo nang lumabas si Tita at tito kasama ang doctor.


"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ni tito sa doktor. Nagtaka pa kami nang tumingin ito kay Luke na tumango naman agad sa kaniya tapos sumunod agad doon yung lalaking nasa tabi ni Luke.


"Tita," Seryosong sabi ni Luke na nakakuha agad ng atensyon ni Tita. Bigla akong nanibago sa itsura niya. Wala siyang suot na salamin. Tapos ang alikabok pa nung suot niyang pants.


Niyakap agad ni Tita si Luke kaya napaiwas na ako ng tingin. Hindi ko rin matanggap na sa dami ng tao dito sa mundo, bakit kay Aria nangyari ang bagay na ito? Lahat kami naninibago. Wala naman kasing ginawang masama si Aria. Mabait naman yung kaibigan ko. Kaya bakit?


"B-baka daw hindi na mailakad ni Aria yung kanang paa niya," Umiiyak na sabi ni Tita na ikinamaang naming lahat. Naiyak agad si Sophia sa narinig na yun. Kahit ako ay naiyak na. Paano ang volleyball? Gustong-gusto niya pa naman ang larong yun.


Para sa isang volleyball player, para na rin siyang tinanggalan ng buhay sa balitang yun. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong ipakulong si France. Gusto ko siyang mabulok sa kulungan. Nasa legal age naman na siya kaya dapat lang siyang makulong.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now