Chapter 03

2.9K 64 4
                                    

Aria's POV


"Parang ayaw ko na pumasok. Pwede ba yun?" Tanong ni Kohen habang nakapalumbaba sa table ko.


"Ano na namang problema?"


"Kasi bobong-bobo na siya." Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Kohen kay Jasmine na kararating lang. Nauna kasi akong dumating dito sa room dahil ganon naman palagi. Nag-aayos din kasi ako ng upuan dahil minsan ay naaabutan kong magulo ang room namin.


"Nagsalita ang hindi bobong-bobo."


"Hoy! Compare naman sayo, lumalaban pa ako noh!" Nakangiwing sabi ni Jasmine. "Tsaka.... alisin mo nga yang mukha mo sa table ni Aria, baka malasin ang mga test paper na inilalagay diyan dahil sa ala-ala ng pagmumukha mo."


"Ang ganda mo noh? Bakit hindi mo i-try maging unggoy?"


Napakunot agad ang noo ni Jasmine at nakapamewang pang hinarap si Kohen. "Bakit hindi ikaw? Tutal ikaw naman ang unang uri ng homo sapiens."


"Hoy! Masakit ka magsalita ah!" Napatakip nalang ako sa tainga ko dahil sa pagbabangayan ng dalawang 'to. Hindi na sila naumay sa isa't-isa. Simula bata pa kami ay ganiyan na sila. Walang pinagbago. Parang mga tanga.


Sabay-sabay pa kaming nanahimik nang biglang pumasok si Luke at dumiretso agad sa likuran na upuan nang hindi man lang kami tinitingnan. Bigla ko na naman tuloy naalala yung sinabi niya nung isang araw. Mali naman kasi talaga ako pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakinig. Gusto ko tuloy mag-sorry.


"Ako lang ba o.... weird talaga siya?" Bulong ni Kohen sa akin na nakakuha agad ng atensyon ko.


"Hindi lang weird, ang clumsy pa."


"Clumsy? Bakit?" Nagtataka kong tanong kay Jasmine dahil wala akong alam doon. Dalawa lang kasi ang class namin kahapon kaya after nun ay nag-training na ako. Pinaghihiwalay ko kasi talaga ang responsibility ko. Once na nasa court na ako, hindi ko na masiyadong iniisip ang mga bagay sa paligid ko.


"Kahapon hindi ba nauna kaming umuwi?" Tanong ni Jasmine na ikinatango ko. Ready talaga akong makinig. Mukhang ako lang din kasi ang walang alam doon sa nangyari. "Hinarang siya nila France. Uhm... pinagtripan,"


"Ano?" Kunot-noong tanong ko.


"Pinagpasa-pasahan yung bag niya. Tss. Sila France talaga may bago na namang target. Natumba pa nga si Luke eh. Hindi ko sure kung nagkasugat siya pero mukhang masakit yung bagsak niya kahapon." Kwento ni Kohen na talagang nakakuha ng atensyon ko. Naikuyom ko pa ang kamao ko at bumuntong-hininga.


"Walang tumulong?" Nagtataka kong tanong na ikinaiwas nila ng tingin. Halatang guilty dahil hindi sila nakialam.


"Alam mo naman sila France at ang mga tropa niya. Kapag nakialam ka, ikaw ang pagti-tripan nila. Naalala mo yung isang student na umalis dito? Hindi ba't sila ang may kagagawan nun?" Tanong ni Kohen at bahagya pang lumingon sa akin pero nag-iwas din agad ng tingin. "Kahit nga ako napagtripan na nun hindi ba? Lahat ata ng estudyante dito..... maliban lang sayo."


"Oo nga. Kahit ako," Nakasimangot na sabi ni Jasmine. "Bakit kaya hindi ka pinagtitripan nun? Kasi matagal ka na dito?"


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now