Chapter 25

1.9K 46 0
                                    

Sophia's POV


Monday ngayon at maaga akong pumasok dahil wala si Aria. Walang aasahan ang mga kaklase ko kundi ako. Ayos lang naman sa akin ito since napag-usapan talaga na if ever na wala si Aria, ako muna ang papalit. Aria is my friend. Of course, tutulungan ko siya.


"Bakit nandito ka na?" Nagugulat na tanong ko kay Mav nang makitang nandito na siya sa room. Ang lamig pa ngayong umaga kaya may dala akong jacket. Kaso ang isang ito, ang ganda pa ng upo sa upuan ko. Naglalaro ata ng online game. "Ang aga pa ah."


"Ano naman? Ganon din naman eh. Papasok din ako." Nakangiwing sagot niya bago tumayo para mailagay ko ang gamit ko sa table ko. Dumiretso agad ako sa harapan para tingnan ang mga papel doon. Even sa desk ni Aria. Kinuha ko yung mga paper na ipapasa ngayon. Ibinilin niya naman sa akin ang mga ito kaya kinuha ko nalang at inilagay sa table sa harapan.


"Nagtext din sayo si Aria?" Tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya pero agad ring napailing nang may maalala.


"Oo. Pfft. Bantayan daw natin ang kaniyang bebe. Nakakapanibago si Aria noh? May ganitong ganap na."


"Nasasanay na nga ako kay Aria. Pfft. Palagi kong nakikita na nakatingin kay Luke. Nakakaumay." Nakangiwing sagot ko nang maalala na naman na ilang beses ko na siyang nakikitang nakatitig kay Luke. Gustong-gusto niya talaga yun noh? Nakakaloka si Aria magkagusto... pero masaya ako para sa kaniya. At least, hindi ba. She's happy. Yun naman ang mahalaga. "Mav,"


"Oh?" Kunot-noong tanong niya habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.


"Ikaw ba.... may nagustuhan ka na?" Natural na tanong lang naman yun dahil curious ako kaso nabitawan niya ang cellphone niya na ikinagulat ko pa. Napansin ko rin ang pagkailang niya sa akin kaya natawa na ako. "Anong nangyayari sayo?"


"H-ha? Anong nangyayari sa akin? Wala...malamang!" Nakaiwas ng tingin na sabi niya na ikinakunot nalang ng noo ko at inabot na sa kaniya ang phone niya. "Ay gagi. Sira ang tempered glass."


"Tanga ka kasi. Bakit mo binitawan?"


"Anong ako? Ikaw ang may kasalanan. Tanong ka ng tanong diyan." Talagang ako ang sinisi niya. Nakakainis talaga ito. Nagtanong lang naman ako tapos bigla na siyang nagpanic. Parang tanga. Takot na takot?


"Ang aga-aga, nag-aaway! Parang mga bata," Sulpot ni Jasmine at tinanggal agad ang jacket niya nang makapasok dito sa room. "Ano bang pinag-aawayan niyong dalawa? Ang ingay-ingay! Rinig na rinig ko sa hallway. Kahit ata yung janitor na naglilinis ay narinig ang bunganga nito." Turo niya kay Mav na umangal agad.


"Pakealam mo ba?"


"May pake ako kasi tao ako."


"May pake siya kasi pakealamera siya," Sabat naman ni Kohen na hawak-hawak din ang phone niya bago dumiretso kay Mav. "Bobo mo! Talo tuloy tayo. Bigla kang hindi gumalaw. Ano bang nangyari sayo?"


"Nabagsak phone ko tanga."


"Oh? Edi sira?" Natural na tanong ni Kohen bago kinalkal ang bag niya at nang mahanap ang papel ay inabot niya agad sa akin yun.


"Ano ba ito? Saan galing ito? Ang pangit." Paano ba naman? Yung papel niya ay parang itinapon na sa basurahan sa sobrang gusot.


Captivated By His Enchanted EyesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora