Chapter 42

1.8K 35 0
                                    

Luke Hayden's POV


Ilang beses kong nilayuan si Aria pero hindi ko magawa. Paano ba kasi ako lalayo sa kaniya kung pilit kaming inilalapit ng tadhana?? Nananadya ata itong tadhana na ito eh dahil kahit saan ako magpunta nandoon siya. Kagaya nalang ngayon. Nandito ako sa market at nandito din siya!


"Umalis ka na." Bulong ko sa kaniya dahil hindi na namin alam kung tama pa ba ang tumatakbo sa utak ng mga taong ito. Balak ko na sana silang labanan kanina dahil alam ko namang mananalo ako kaso biglang dumating si Aria. Magtataka siya kapag nakita ako na may ganong kakayahan.


"Hindi ka nahihiya? Ang laki ng katawan mo pero wala kang trabaho? Oh, bente. Pampaayos ng utak mong bulok!" Napamaang agad ako sa sinabi niya at gusto pang matawa doon kaso hinila na niya ako papaalis. Pfft. "Luke, bilis! Sabi ko na nga ba at may mangyayaring masama sa akin ngayon eh!" Rinig kong reklamo niya kaya napailing na ako at hinawakan ang kamay niya bago naunang tumakbo. Ang bagal niya eh.


Hingal na hingal ako nang makapagtago kami dito sa isang shop. Tumingin agad ako ng masama sa kaniya kasi idinamay niya na naman ang sarili niya sa mga bagay na hindi na dapat siya kabilang. "Bakit ba ang hilig mong makialam?"


"Yung mata mo....." unti-unting nawala ang pagkunot ng noo ko sa sinabi niya. Napaiwas pa ako ng tingin. May suot naman akong glasses. Paano niya nakita? "Ang ganda..."


Nailang talaga ako agad sa sinabi niya kaya tumayo na ako kaso ito na naman ako dahil hindi ko na naman naiisip ang mga gagawin ko kapag nasa harapan ko siya kaya nagbagsakan ang mga libro sa amin. Balak niya pa akong protektahan. Talaga naman.


"Nasaktan ka ba? Hoy! Nasaktan ka ba???" Hindi ko na naitago ang pag-aalala sa boses ko at bahagya ko pang inayos ang buhok niya na hindi ko alam kung napansin niya dahil nakatitig lang siya sa akin.


"Luke, nasabi ko na ba sayong... gusto kita?"


Para akong tangang napatigil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. May parte sa akin na sana totoo yun dahil handa akong sumugal. Handa talaga ako sa hindi ko malaman na dahilan kaso binawi niya.


"I mean, gusto ko yung kulay ng mata mo. Kasi yung sa akin black na black eh." Tss.


Kinuha ko na ang phone ko para imessage si Royal Attendant Jeff na sunduin ako dito kaso bigla na namang nagsalita si Aria kaya naitago ko kaagad ang phone ko sa bulsa ko. "Hindi mo ba alam kung paano umiwas sa gulo? Every time na nakikita kita palagi kang sangkot ng gulo."


"Hindi ko maiwasan, okay?" Masungit na sabi ko dahil yun naman ang totoo. Siya ngang may choice na umiwas, hindi umiiwas eh.


"Iwasan mo. O kaya lumaban ka.. or tawagan mo ako."


"Pero wala akong number mo,"


Hindi yun totoo. Nakalagay sa laptop ko ang number niya. Number niya nga lang ang nakanote doon. Wala ng iba.


Kinuha niya pa ang phone ko at inilagay ang number niya. Mabuti nalang kakabili ko lang nun kaya wala pa masiyadong nakalagay. Akala ko tapos na. Kaso kung ano-ano pa ang sinabi niya.


"Umalis ka na nga. Hindi ba't galing ka sa training?" Kunot-noong tanong ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang pupunta dito matapos ang nakakapagod na araw? Dapat ay nagpapahinga na siya.


Okay na sana eh. Mukhang mapapaalis ko na siya kaso bigla namang nagloko ang tiyan ko na halatang nananadya kasi kakakain ko lang naman kaya bakit ako biglang magugutom?????


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now