Chapter 41

1.8K 35 4
                                    

Luke Hayden's POV


"Are your things ready, your Royal Highness?" Tanong ni Mr. Jeff sa akin, my royal attendant. Napabuntong-hininga ako at bahagyang tumango sa kaniya. "We need to go. The Royal Higness is waiting for us. You need to bid your goodbyes."


Tumingin agad ako sa mga estudyanteng nasa harapan ko. Nasa unahan sila Kohen kaya naglakad na ako papalapit sa kanila.


"Mag-iingat ka, Prince Hayden." Nakangiting sabi ni Sophia sa akin na ikinangiti ko na rin.


"Huwag ka mag-alala. Kami na ang bahala kay Aria." Tinapik pa ni Jasmine ang braso ko pero nagulat din agad siya sa ginawa niya at yumuko sa akin. "Sorry."


"Ayos lang. Nakauwi na ba siya?"


"Hindi pa pre." Napapailing na sabi ni Kohen at umakbay pa talaga sa akin. Ganitong treatment ang gusto ko. Ayokong nag-iingat sila kapag nasa harapan nila ako. Hindi ako sanay. "Pero uuwi rin agad yun kaya mag-iingat ka sa byahe mo."


"Kami na ang bahala kay Aria." Sabi naman ni Mav na ikinatango ko na. Alam ko naman yun. Alam kong hindi nila pababayaan si Aria.


"Salamat." Nakangiti kong sabi at tinapik pa ang balikat ni Allen bago sila tinalikuran. Sumakay agad ako sa sasakyan at tiningnan ang phone ko pero wala man lang siyang message sa akin.


Sa kwarto niya ako natulog kagabi. Ilang araw ko naman na yung ginawa at hindi naman niya nalalaman. Pero kanina pagkagising ko, wala na siya. Wala na siya sa tabi ko.


Natanaw ko agad ang napakaraming tao na naghihintay sa airport dito sa Vinsant. Naglinyahan agad ang mga royal guards namin bago ako sinenyasan ni Royal Attendant Jeff na bumaba. Napatakip pa agad ako ng mata nang biglang mag-flash ang mga camera.


"Prince Hayden, can you answer one of our question?"



"Prince Hayden, we wanted to ask you why did you stayed here in Vinsant?"


"Why Aspen, Prince Hayden?"


"What can you say about you being the future king of the Kingdom of Arpazia?" Damn it.


Napaiwas agad ako ng tingin sa sinabi nung isang reporter. Nahirapan pa akong makapasok sa loob sa sobrang dami ng tao.


"Hi kuya, are you ready to come back?" Nakangiting bungad sa akin ni Princess Estella. Yumakap pa siya sa akin kaya binuhat ko agad siya. "Anyway, I think I saw your favorite hoodie on someone."


"Really? When?"


"She's a volleyball player from Aspen University," Napatigil agad ako sa sinabi niya at tumitig ng diretso sa mga mata niya na naghihintay ng sagot sa akin. "She's pretty and kind."


"Yeah. I know." Nakangiti kong sabi sa kaniya bago bahagyang ginulo ang buhok niya. Tumango agad ako nang maglakad papalapit sa akin si Queen Cartha with her Royal attendant.


"The people of Arpazia are waiting for us. Let's go home." Sinenyasan niya agad ang mga Royal guards bago kami pinapasok sa private airplane namin. "You need to talk to your father about this. To the past few months, wala kaming narinig na kahit ano tungkol sayo. The People are asking. They are finding you. Ayokong maulit ito, Prince Hayden. Naiintindihan mo ba ako?"


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now