Chapter 08

2.2K 52 1
                                    

Aria's POV


Nakinig lang kami kay Prof Gab na nasa harapan. May ipinanood pa siya sa amin na clip kung paano e-execute yung activity. Since napag-aralan ko naman na siya, madali nalang siya sakin. Naalala ko rin na ginawa na namin siya dati nung elementary. Kung dati, tutok talaga sa amin ang mentors dahil per student ata nun ay may mentor. Ngayon ay wala na. Kami nalang talaga.


"May gusto ka bang itanong?" Kunot-noong tanong ko nang mapansin na kanina niya pa ako pinapanood. Nakakailang siya. Hindi rin kasi ako sanay na nakatingin siya ng ganiyan sa akin. Madalas niya kasi talagang iiiwas ang tingin niya sa akin na para bang once na tiningnan niya ako ay magiging asin siya or aapoy siya. Kaso hindi pa rin siya nagsalita kaya ibinaba ko na ang notebook na hawak ko at tiningnan na siya ng diretso sa mata. "Naba-bother ako sayo. Ano ba yun? Hindi ako makapag-focus sa pagtitig na ginagawa mo."


"Kaya mong gawin mag-isa itong laboratory, bakit nilapitan mo pa ako?" Ang obvious nung tanong niya pero itinanong niya pa rin. Siya talaga yung lalaki na kilala kong mahilig manghingi ng assurance.


"Sinong nagsabing kaya ko?" Natatawa kong tanong bago itinuro yung beaker na inabot niya rin naman agad sakin. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang dropper. Nagawa ko nang mag-focus habang nakikipagdaldalan sa kaniya. Minsan multi-tasker ako. Minsan hindi talaga. "Hindi porket sanay akong walang katulong, habang-buhay ko ng kaya yun, okay? Tingnan mo.... sa tingin mo tama ito?" Tanong ko sa kaniya at ipinakita ang hawak ko.


Tama naman ako, nasanay silang lahat na mag-isa akong gumagawa without knowing na nagkakaroon din ako ng difficulties. Kaso sa standard nga na si-net ko sa sarili ko, hindi ako kumukuha ng pair or nagtatanong man lang.


Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob at hindi ko rin alam kung bakit.


"Oo, ako na," Kinuha niya yun sa kamay ko at pinagmasdan pa ulit bago nagsulat. Wala sa sarili akong napangiti. Kaya kong patunayan sa lahat ng estudyante dito kung gaano katalino ang taong nasa harapan ko. Nakafocus lang kasi ang mga tao sa hindi kaaya-ayang appearance ni Luke kaya hindi sila aware sa ibang qualities niya. Mga tao talaga. Mas prefer nila ang physical appearance not the whole part of that person. Kasi sa totoo lang? Yung nakikita ko kay Luke? He deserves better. He deserves more. "Hindi ko naman kailangan ng tulong mo."


Napabalik ako sa sarili ko dahil sa sinabi niyang pambabara sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yan o talagang ganiyan lang siya makipag-usap. Bahala na nga. May naisip na rin naman ako agad na pwede kong gamitin, huwag lang siyang magduda sa akin. "Pero kailangan ko ng tulong mo," Nakangiting sabi ko na ikinalingon niya ulit. Halatang nagulat sa sinabi ko na sa tingin ko ay wala namang mali. Simpleng salita lang yun.


"Pinagti-tripan mo ba ako?" Masungit na tanong niya na ikinatawa ko. Nagsusungit na naman siya. Walang araw na hindi niya ako sinungitan. Ang laki talaga ng problema niya sakin. "Tigilan mo ako, hindi ako nakikipagbiruan sayo."


"Ayan ang hindi ko magagawa," Natural na sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Remember? I need you sa history. We had a deal." Gagamitin ko na ang last card ko. Wala na akong ibang maisip na reason. "Anyway, since napag-usapan na natin ang deal. Free ka ba sa sunday?"


"Sunday?"


"Oo. Unahin na natin yung mga basic exercises. Saan ba bahay mo? Doon nalang kita turuan," Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko na lalong nagpakunot ng noo ko. Hmm. Sabi ko na nga ba at mayaman ito eh. "Naka-hotel ka?"


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now