Chapter 19

1.9K 38 0
                                    

Aria's POV


Monday. Monday na at nandito na kami sa arena kung saan makikita ang napakaraming tao. May room naman naka-assign sa amin kaso kanina pa talaga ako kinakabahan habang naririnig ang sigawan sa labas. Dalawang araw kasi ang game. Ngayon ang desisyon kung sino ang lalaban bukas para sa trophy. Sana mapabilang kami doon. Sana talaga.


"Ang lamig ng kamay ha," Natatawang sabi ni Luke nang kunin niya sa kamay ko ang phone ko kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Relax. Hindi naman ganon karami ang tao."


"Weh?"


"Oo nga. Tsaka hindi naman lahat yun titingin sayo. For sure yung iba doon, napilitan lang sumama." Pagpapagaan niya sa nararamdaman ko. Allowed kasi sila pumasok dito. Basta mga kaklase or related sa athlete, pinapapasok naman.


"Mamayang laro.... saan ka pupwesto?" Tanong ko sa kaniya. Napansin ko pa ang pag-iling ni Gian nang marinig ang tanong ko kay Luke pero binalewala ko nalang siya. "Hoy! Saan ang pwesto mo mamaya?"


"Edi sa ibaba. Gusto mo ba sumama ako kay coach?"


"Pwede ba yun? Doon ka nalang nga kaya?" Tanong ko na ikinatawa niya naman agad. Pinitik niya pa ang noo ko kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. "Masakit ha! Sapakin kaya kita. Teka——saan ka pupunta?" Nagugulat na tanong ko nang tumayo siya at pinagpagan pa ang pants na suot niya. Tumayo na rin tuloy ako. Nagpapanic ako sa kaniya!


"Hihintayin nalang kita sa ibaba. May gusto atang kumausap sayo." Nakangiti niyang sabi at itinuro ang mga kaibigan ko na papalapit sa akin ngayon. Tumango lang si Sophia kay Luke bago nawala si Luke sa paningin ko.


Naga-adjust talaga siya.


"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanilang apat na nagkatinginan pa talaga. Halatang hindi nag-meeting bago ako puntahan. "Akala ko hindi na kayo pupunta. Balak ko na sanang magleave sa gc natin kung hindi."


"Hindi pwedeng magleave doon. Itinutumba." Sabat ni Jasmine na ikinatawa ko kaya natawa na rin siya at agad na lumapit sa akin para yumakap. "Waaah, Aria!!! Namiss kita talaga!!! Potaena kasi eh! Bunganga ko sarap alisin!"


"Ay... why not?" Tanong ni Kohen at lumapit na rin sa akin. "Bagay sayo yang bagong jersey niyo. Paarbor."


"Isang araw ko pa nga lang nasusuot." Reklamo ko agad na ikinatawa nila. Napamaang pa ako ng tumalon papunta sa akin si Kohen at yumakap kaya ganon na rin ang ginawa ng iba. Muntik pa kaming matumba!!!


"Nag-expect pa naman ako ng one week na hindi pag-uusap pero ilang araw palang, okay na kayo." Napapailing na sabi ni Sophia kaya sinamaan agad siya ng tingin ni Jasmine.


"Hindi pwedeng hindi tayo magbati noh! Kailangan ang presence natin ngayon, hindi ba Aria?" Tanong ni Jasmine na sinang-ayunan ko naman.


"Oo. Kayo ang pinakakailangan ko sa mga ganitong panahon."


"Sure kang hindi si Luke yan?" Tanong ni Sophia na ikinatawa ko agad.


"Syempre.... isa rin siya." Sagot ko kaya tumingin agad sa akin si Mav, Jasmine at Kohen. Mga hindi makapaniwala sa narinig.


Hindi nga pala nila alam. Pfft.


"Sabi ko na nga ba at may gusto ka doon eh!" Natatawang sabi ni Mav at itinuro pa ako. "Halata ka na Aria! Yung mga pagtulong tulong mo palang na ganon, alam ko na yun! Tss."


Captivated By His Enchanted Eyesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें