Chapter 29

1.8K 34 8
                                    

Aria's POV


Wednesday na ngayon at hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong-hininga dahil naboboring na talaga ako. Papunta palang kasi si Prof Pablo dito. Hindi tuloy ako makapunta sa table ni Luke. Hays.


Doon na kasi ako palagi kapag walang klase. Mukhang nasasanay naman na ang mga kaklase ko kaya hindi na nila ako pinapansin. Parang normal na nga lang sa kanila na nakikitang kinukulit ko si Luke.


"1....2.... Good Afternoon, Prof Pablo!!" Sabay-sabay na sabi namin nang pumasok siya sa pintuan dala-dala ang laptop niya.


"Okay for today's discussion we're gonna focus on the Kingdom of Arpazia," Nakuha nun ang atensyon ko. Arpazia. The Kingdom of Arpazia. Nagpresent agad si Prof Pablo ng PPT niya at bumungad sa akin ang isang palasyo or mansyon. Para siyang palasyo kaso modern ang style niya. In short, nakikita ko palang, nagagandahan na talaga ako. What's more kung makikita ko talaga siya sa harapan ko. "Who still remember the name of the ruler here in Arpazia?"


"Prof," Taas-kamay kong sagot. "It's King Arman Kuri."


"And the Queen?" Tanong niya sa mga kaklase ko.


"It's Queen Cartha Kuri po." Sagot naman ng isa naming kaklase. Napatango naman doon si Prof Pablo. Medyo excited pa naman ako dito kasi kilala ang Kingdom of Arpazia kasi maganda talaga siya at lowkey. Literal na lowkey kasi kahit konting impormasyon, wala talagang inilalabas sa kanila. Ni hindi ko pa nga man lang nakikita ang itsura nung mga prinsesa at prinsipe eh. More on sila King Arman lang at Queen Cartha ang lumalabas sa online kapag nagsearch ka.


"Alright. And the Princess and Prince, who are they?" Walang sumagot. Nakalimutan ko rin. Yun talaga ang nakalimutan ko nakakaloka! Ano ngang pangalan ulit nung Prinsipe? Hanz??


"Sinong sumagot before ng question ko na ito?" Tanong ni Prof kaya sabay-sabay kaming napatingin kay Luke na diretsong nakatingin sa pinipresent ni Prof na image ng palasyo ng Kingdom of Arpazia. "Alright, Marquez. Who are their children?"


"It's uhm, Prince Hayden Kuri and Princess Estella Kuri." Ahhh... Hayden pala. Saan ko nakuha ang Hanz?


"Alright. We will focus today to his royal highness, Prince Hayden Kuri." Diretsong sabi ni Prof na ikinalingon ko. Kakasabi ko lang na hindi ko pa siya nakikita pero ngayon, nasa harapan ko na ang litrato niya.


"Gagi... ang pogi." Rinig kong sabi ni Jasmine. Kahit ang mga kaklase ko ay napamaang nang makita ang itsura nung Prince Hayden Kuri. Ako lang ata ang napakunot ang noo dahil parang pamilyar siya sa akin.


Saan ko nga ba siya nakita? Sa TV?


"This photo is taken nung high school pa siya so medyo bata pa ang features niya dito."


"How about the latest prof? Balita ko po he is also a college student or tapos na ng college? I'm not sure tho."


"Tapos na daw ng college. Kaso wala akong latest photo kaya magtiyaga na muna kayo diyan. Gwapong-gwapo naman na kayo kaya ayos na yan." Natatawa niyang sabi na ikinatawa na rin ng iba. Kahit ako natawa doon dahil may iba pa nga doon na palihim na pinicturan ang ppt ni Prof. Talaga naman, oo. "So, let's continue... aware naman kayo lahat na siya ang magiging successor ng throne, right? Ibig sabihin, Prince Hayden Kuri will be the next King of the Kingdom of Arpazia. So, the first question is, about his situation, sa tingin niyo ba okay lang na hindi niya tanggapin ang throne? Because well, that's the issue now sa Kingdom of Arpazia. The Prince does not want to accept the throne."


Captivated By His Enchanted EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon