Chapter 55

2.1K 38 6
                                    

Aria's POV


Hindi ko maiwasan na hindi maluha nang lingunin ako ni Luke at ipakita sa akin ang itsura niya suot-suot ang korona.


Bagay na bagay sa kaniya.


"I'm so proud of you," bulong ko pero alam kong narinig niya dahil mas lalo lang siyang napangiti.


Niyakap agad siya nila Queen Cartha at nila Princess Estella. Kahit ako ay lumapit na para yumakap. Natutuwa kami dahil habang nagyayakapan kami dito sa harapan, patuloy silang sumisigaw ng, "LONG LIVE THE KING!"


Akala ko ay matatapos na ito dito.


Pero sabay pala kaming lalabas ni Luke para sa mga citizen ng Arpazia kaya sa akin na tumingin ang Prime Minister at sinenyasan na rin ako ni Queen Cartha na lumapit kaya naglakad ako papalapit sa kaniya.


Kinakabahan ako. Namamawis na rin ang mga kamay ko. Sa mga awardings lang naman kasi sa school ang naakyatan ko, unlike dito huhu. Habang buhay ng responsibility ito. Hindi naman sa hindi ko gusto pero nakakatakot kasi talaga. Hindi biro ito.


"And the Queen of Arpazia,"


"There seems to be an issue with the Queen, Prime Minister." Sabi ni Lord Peterson kaya napatigil ako sa paglalakad ko. Napakunot doon ang noo ni Prime Minister at tumingin kay Lord Peterson. Pansin ko rin ang masamang tingin ng mga kaibigan ko kay Lord Peterson sa biglaang pakikialam nito.


Hindi rin nawala sa paningin ko si Ylona na masama ang tingin sa father niya ngayon. Mukhang wala siyang nagawa para pigilan ang tatay niya sa gagawin nito.


"What do you mean?"


"There's a lot of petition about Miss Garcia being the Queen of Arpazia. The people cannot accept her as one of us. And she's not even a citizen of this country." Tumayo si Lord Peterson at ipinakita ang napakaraming papel na hawak niya. "These are the petetions. It is our job to trust our people when it comes to choosing the new sets of royal family here in our country."


"Isn't it normal for them to send some petetion whenever there's a new set of royals in a country? Wala po akong nakikitang mali doon." Seryosong sabi ni Luke. "Isa pa, I wanted Aria to be my Queen, hindi ba't isa rin naman yun sa qualification ng reyna dito?"


"As a new King of this country, dapat ang inuuna ninyo ay ang mga tao sa bansa ninyo kesa sa nararamdaman niyo. A King needs to follow his mind not his heart, your highness." Pormal na sagot ni Lord Peterson. "Isa pa, hindi ba't ang ipinakakasal sa hari kapag hindi siya nakapili ng prinsesa ay isa sa mga anak o kadugo ng mga myembro ng council para mas mapatibay pa ang pagsasamahan ng royal family at council?"


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni King Arman. Pati siya ay nakisali na rin. "Nakapili na si King Hayden ng kasama niya para mamuno dito sa Arpazia, hindi ba't dapat ay hinahayaan na natin yun? He has the rights to choose who he wanted to be with. Hindi na dapat natin pinapakealaman pa yun."


"Sa lahat ng nandito King Arman ay ikaw ang nakakaalam ng isa sa batas ng Arpazia na kung hindi makakahanap ng prinsesa na papakasalan ang kukuha ng trono ay ipapakasal siya sa kadugo ng pinakamataas na council kaso wala namang apo ang Prime Minister Gunnary that's why we should choose the blood line of the next higher position in the council," Hindi natatakot si Lord Peterson. Mukhang sanay na sanay talaga siya sa ganitong salitaan. "Miss Aria Garcia came from a normal family of Vinsant. Her parents are working on their so called restaurants. That's the only source of their income. Magkaiba ang mundo na pinanggalingan ng dalawa. Hindi siya katanggap tanggap sa mata ng mga tao lalong-lalo na sa mata ng batas dito sa Arpazia. Pagtatawanan lamang tayo ng mga kasanib nating bansa."


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now