Chapter 33

1.7K 40 2
                                    

Aria's POV


Hindi lang ata pressure ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Isang score nalang at sila na ang panalo. Gusto kong maiyak sa kaisipan na yun. 5th set na. 2-2 ang score. Kaso ngayong 5th set, 15-14 na ang score. Isa nalang sa kanila at panalo na sila. Sa kanila pa ang bola.


Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko habang naghihintay ng bola. Masakit na rin ang paa ko pero tinitiis ko yun dahil gusto ko talagang manalo. Gusto kong ibigay kila Hazel ito. Kahit ito lang.


Nang marinig ang signal ay naghanda na ako kasabay ng paghampas ng bola ng kabilang grupo. Nakuha naman agad ni Blake yun at ipinasa sa akin kaya tumalon na ako at hinulog ang bola kasi wala namang nakabantay sa akin pero mali ako doon dahil nakuha agad ng kabilang grupo ang bola. Bumalik agad ako sa pwesto ko at isinawalang bahala ang pawis na tumutulo sa noo ko. Isa nalang ang tumatakbo sa utak ko, kailangan naming manalo.


Friday na kasi ngayon. Literal na nationals. Hindi din namin inasahan na makakarating kami dito. Kami ang mananalo ngayong year kapag nakuha namin ito. Ang grupong kalaban kasi namin ngayon ay ang tumalo sa FU last year. Ramdam ko naman ang bigat base na rin sa layo ng pagitan ng mga score namin. Pero gusto ko talaga manalo. Kailangan naming manalo.


"ARIA!!" Sigaw nila Gian kaya tumakbo agad ako papunta sa likurang bahagi nang alanganin ang receive ni Phoebe nung bola. Malakas kasi talaga yung impact nung spike ng kabilang grupo. Gusto kong magmura nang makitang masiyado na talagang malayo sa akin yun pero imbes na sumuko, ginamit ko yung masakit na paa ko at sinipa ang bola papunta sa kabilang grupo. Natumba pa ako pero nang marealize na pumasok ang bola, tumakbo agad ako pabalik only for me to see na sa amin ang score!!!!


"HALAAAAAAAAAA!!" Sigaw nila Blake nang marealize na 15-15 na ang score. Napangiti agad ako sa nakita at tiningnan ang mga kateammate ko.


"Ipanalo natin ito."


"A-aria..." hindi makapaniwalang sabi nila sa akin. Parang mga sira. Ngayon pa talaga sila nagkaganiyan kung kailan ako na ang service.


"Ibigay na natin ang lahat... para sa sarili natin at para sa mga taong naniniwala sa atin." Sabi ko sa kanila at pumwesto na sa likuran. Dinasalan ko pa yung bola. Ilang santo na ata ang natawag ko. Sana maipasok ko ito.


Nang marinig ang signal, walang pagdadalawang isip kong hinampas ang bola. Ramdam ko ang sakit sa palad ko pero bumalik pa rin ako sa pwesto ko nang masalo ng libero nila yung service ko. Naibalik ulit sa amin ang bola na kinuha naman agad ni Bianca at ipinasa sa akin kaya sinet ko agad siya kay Gian.


Akala ko hindi papasok kasi ang lakas nung hampas niya! Pero pumasok yung bola!!



"GAGIIIIII PASOK!!!!!" Sigaw ni Gian kasabay ng sigawan ng mga estudyante ng Aspen nang makita ang score sa napakalaking screen. 15-16. POTEK!! ISA NALANG!!


"GUYS!! ISA NALANG!!!! JUST DO YOUR BEST!!! ALRIGHT??? NANINIWALA AKO SA INYO!!!" Malakas na sigaw ni Coach Wen na sabay-sabay naming ikinatawa. Emosyonal na kasi siya.


"Aria," Nakangiting tawag sa akin nila Bianca kaya napunta sa kanila ang paningin ko habang naghihintay ng signal sa service.


"Hmm?"


"Kaya natin ito, captain." Napamaang ako sa narinig ko mula sa kanila. Napaiwas agad ako ng tingin at gusto kong umiyak doon. Ang tagal nila akong hindi tinawag ng ganon nakakainis! Naiiyak ako!


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now