Kabanata 4: Meeting him: part 2

99 5 0
                                    

***

Erica POV


Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

I can't believe this will happen to me!

I see him smiled at the crowd saka inilipat niya ulit ang paningin niya sa akin, habang ako nanatili pa ring tulala habang nakatanga sa kanya. Nagulat pa ako ng walang babalang hinalikan niya ako sa labi na siyang dahilan ng mas lalong ikina ingay ng crowd. 

Shit! Para akong pinako sa kinatatayuan ko mas lalo lang akong nanigas. Hindi ako makagalaw feeling ko tumakas lahat ng nerve cells ko.

     "Surprised? I am too," bulong niya sa akin. Kaya natauhan ako. 

Tumingin ako sa direction nila mommy na kilig na kilig sa nangyayari, halos mangisay na rin si Angeline dahil sa kilig. Habang ako gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Para kaming love team sa sikat na teleserye tapos may fan day kami at para namin silang fans. Nakakaloka!

  

     "One more kiss!!" sigaw pa ni Angeline 

Wah!! Gusto ko ng tumakbo, mag walk out doon. 

Pinukulan ko ng matalim na titig si Angeline pero lalo lang siyang bumungisngis. 

Naramdaman ko ang paggapang ng braso nito sa bewang ko at humapit roon.

       "Did you plan all of this!?" mahina kong taong pero may diin sa bawat katagang binibitawan ko.

Medyo naaasiwa ako sa braso niyang nakahapit sa bewang ko.

       "Nope, I didn't. As I said. I'm surprised too," aniya. Nakangiti pa rin sa harap ng marami. 

      "Lier!" Tiim bagang kong tugon.

     Ang soon to be husband ko ay walang iba kundi si Axel Charles Hill. My mortal enemy! I really can't believe it,  na ang lalaking ito pala ang magiging asawa ko. Gash! Lord, why? If this is a dream, please wake me up. Ayu'ko sa bangungut na ito!

    Pagkatapos ng mga kaunting speech namin, at pakikipag-plastikan sa isa't-isa

ay agad na akong nag-walk out, sa backstage ako dumaan.

Gusto kong umiyak ng bonggang-bongga.

Kung nanaginip lang talaga ako gustong gusto ko nang magising.

Kinurot ko pa ang braso ko, pero masakit, eh. This is the reality, the reality that sucks me.

Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. I just walk with no direction. Hanggang sa napatigil ako, alam kong Nasa garden pa rin ako, dahil may mga bulaklak at halaman pa rin akong nakikita. Nakatayo ako sa gitna ng pa-curv na tulay, sa ilalim no'n ay may naglalanguyang iba't-ibang kulay at klase ng mga isda. Nagmistula iyong mini lake, ang dulo niyon ay may man made waterfalls na

may mga water lily rin. Napansin ko rin ang mga string lights na nakasabit sa gilid ng pakurbang tulay. 

Malaya kong nakikita ang mga naglalanguyang isda sa maliwanag na buwan. 

Nabalik ang iniisip ko sa nangyayari ngayong gabi. 

Naging tahimik ang buhay ko no'ng, lumipat siya sa Canada at doon nag-aral. Pero hindi ko inakala na babalik siya para guluhin ulit ako. I don't know what he's capable of. 

     "Nandiyan ka lang pala, hinahanap kana ng parent mo." Napapitlag ako ng marinig ko ang baretonong tinig mula sa gilid ko na noo'y nakatungtong na rin sa tulay. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now