CHAPTER 45#JAYVEEALCANTARA

91 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga bulong bulongan sa paligid ko. Hindi ko nga alam kong bulong pa ba iyon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata. Tumitig muna ako saglit sa puting kisame saka iginala ang paningin ko. Familiar sa akin ang kwartong ito. Ah, ito pala yung kwarto ni Axel kung saan pleasure ang naramdaman sa unang pagpasok ko rito. Ang tanging saksi sa pagpapaubaya ko. Nakita ko pa ang mga nag uusap na tao sa maliit na sala ng kwarto.

Kaya ng maalala ko ang nangyari kanina ay bumalikwas ako ng bangun. Agad naman nila akong napansin saka sabay na lumingon sa akin. Nailang ako sa mga matang nakatitig lang sa akin. Naroon si Lara si Cathy at ang mag asawa. Hinanap ng mga mata ko si Axel pero hindi ko nakita.

Nangunot ang gitna ng kilay ko ng parang familyar ang senaryong ito. 'Yun bang parang nangyari na ito dati. Yung nagising ako tapos may tao sa kwarto at hinanap ko si Axel pero wala siya. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwaksi ang isiping iyon. Masyado ng puno ang utak ko sa kakaisip ayaw ko munang dagdagan.

"Kamusta ang pakiramdam mo, iha?" Anang babae na nag pakilala sa aking Lucia.

" Ayos lang ho," I climbed out of the bed." Uuwi na ho muna ako. Pasensya na po kayo sa akin, kung nahimatay po ako." Sabi ko ng makatayo na.

Nanatili lang silang nakatitig sa akin, parang pinagmamasdan ako at inaaral bawat kilos ko kaya mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.

"A-ah sige po." Sabi ko pa , hahakbang na sana ako ng mag salita si Lara.

"Kahit saan tingnan, kahit saang anggulo. You're still Ate Erica Dhana Hermés-Hill. "

Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran nito. Nakita ko namang bahagyang siniko siya ng lalaki na marahil ama nito.

"I'm just saying dad." Anito sabay kibit balikat.

"Oh, siya sige Erica, para makapag pahinga ka ng maayos." Anang babae habang nakasilay ang ngiti sa labi.

Nginitian ko lang ito saka lumabas na ako. Ramdam ko naman ang nakabuntot na mga titig nito sa akin hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa kuwartong iyon.

Bumaba na ako at mabilis na tinungo ang locker ko. Buti walang tao roon kaya binilisan ko na ang pag alis. Ayukong may makakita sa akin dahil batid kong narinig at nakita nila ang nangyari ayuko maging center of attraction.

Hinahanap man ng pandama ko ang presensya ni Axel, minabuti ko na lang na pigilan ang sarili kong hanapin siya. Kailangan ko munang mag isip. Dahil gulong gulo na ang isip ko dahil sa mga nangyari. Simula ng dumating si Axel ang gulo na ng isipan ko.

Hindi madali ang nangyayari sa akin. Naroon 'yung doubt ko, naroon ang takot ko na baka hindi pala totoo kung maniwala ako. Baka ikapahamak ko pa pati ng mga anak ko. Mahirap sobrang hirap. Nilalamon ako ng takot.
____

"Ate!" Biglang bungad sa akin ni Edward.

Nakahiga lang kasi ako sa kwarto buong araw. Masama ang pakiramdam ko, na e estress na rin ako kakaisip sa nangyari kahapon.

" Bakit?" Tanong ko saka tinatamad ako na bumangon. Buti na lang rest day ko ngayon. Kaya pwede akong mag mukmok buong araw. Pero mapuputol na yata ang pag mumukmok ko dahil nandito na naman itong itsusirang bakla.

"Lumabas ka riyan, baka ikaw lang makakaawat nung dalawa sa labas nag susuntukan." Mabilis na sabi nito. May pag aalala sa lalaking mukha nito.

"Deretsuhin mo nga ako , Ed kukutusan kita diyan eh. Sino bang tinutukoy mo? Huh?" Inis na sabi ko rito. Paano ba kasi 'di na lang deretsuhin ang balita.

"Si James at Axel nagsusuntukan."

"Huh!?" Bulalas ko. Kaya napatayo na ako.

"Halika , ayaw paawat eh."

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now