KABANATA 12: himala

62 6 0
                                    

Erica POV.

"Wow ate Erica, ang galing, parang ang sarap niyan, ah." Manghang turan ni sarah, matapos kung ilabas mula sa oven ang kakaluto lang na crinkles biscuits.

"Halika tikman mo kung masarap ba talaga," sabi ko saka nilapag sa marble table sa kitchen counter ang llanera.

Nagluto ako, this is a special day dahil pinatawag ko ang anak ng mga magsasaka. Gusto ko silang maka bonding.

Isang beses pa lang kaming nagkikita kita kaya gusto ko sila makita ulit . Hindi naman ako pwedeng mupunta sa kanila kaya sila na lang ang papupuntahin ko dito. Hindi naman siguro iyon ikagagalit ni Axel.

"Hmm, sarap nito pang expert," bulalas ni Sarah matapos matikman ang biskwit. " Saan mo po natutunan ito?"

"Hmm, nag aral ako ng two years course na culinary Sarah. " Ngiti kong sagot sa kanya.

"The best 'to," aniya saka kumuha pa ng isa.

Napatawa na lang ako sa inasal ni Sarah.

"Tulungan mo akong e prepare ang mga ito mamaya sa lamesa sa hardin huh? Kasi pupunta ang mga bata dito mamaya." Bigay alam ko sa kanya.

"Talaga, Ate? Anong gagawin nila dito?"

Narinig kong tumunog ang alarm ng oven hudyat na tapos na ang timer.

Nagluto pa kasi ako ng chocolate cake at custard cake.

"May ibibigay ako sa kanila at magsu swimming kami," sabi ko habang abala sa paglalapag ng mga llanera matapos kong kunin ang mula sa oven.

Napamangha na naman si Sarah nang makita ang custard cake.

"Favorite ko ito, Ate," anito sa masiglang boses.

"Talaga?"

"Opo," sabi nito sabay tango.

"Tikman natin, kumuha ka ng slicer."

Agad naman itong tumalima, pagkabigay niya ay ini slice ko na ito ng parisukat at nag salin sa platito na inihanda ni Sarah.

"Jessie, come here try this one," sabi ko sa Bodyguard, na titig na titig sa custard cake.

"Ang sarap," bulalas ni Sarah.

Nakita kung titig na titig si Jessie kay sarah, saka tumungo. Napangiti ako, matagal ko na napapansin si Jessie, may pagtingin kay Sarah. The way he look at Sarah, there is something in his eyes. And I know Sarah feels the same way.

"Sarah ibigay mo kay Jessie ito," utos ko saka iniabot ang maliit na plato na may lamang dalawang size.

Nakita ko ang pagka bigla sa mukha ni sarah at namula iyon.

"Ah, eh, A-ate," parang nag aalangan siyang tanggapin ang iniabot ko na platito. Panay ang tingin niya sa akin saka sa platito na hawak ko. Natataranta siya. Confirmed nga.

Nagdadalawang isip ito kung tatanggapin ang iniabot ko.

Pero kalaunan ay tinanggap naman niya at mabilis na ibinigay kay Jessie, iniabot niya iyon habang nakayuko.

Natatawa ako sa dalawang 'to

20 yrs old pa lang itong si Sarah samantalang si Jessie ay 23 pa lang. Bagay silang dalawa.

Maganda si Sarah, maliit ang mukha mapungay ang bilugang mata. At saka maputi ito.

Magkasing laki lang rin kami. Kung papasuotin ito ng magagarang damit ay magmumukha itong heridera.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now