Chapter 40 #FirstKissNeverDie

91 4 0
                                    

Nakatulala lang ako dito sa may dalampasigan. Habang nakaupo sa mabuhangin. Nagpapalipas lang ng oras. Tulog naman ang mga bata kaya , may time ako. Pinikit ko ang mga mata ko upang damhin ang masarap na hampas ng hangin. At animo tugtugin na hampas ng alon.

Naalala ko si Axel kagabi, naalala ko ang mga madidilim na titig niya. Parang ayaw ko na yatang pumasok. Pero kailangan ko eh. Bakit ba kasi siya ang boss eh. Iiwas na lang siguro ako kung nandiyan siya. Kasi naman, nag iiba ang pintig ng puso ko kapag nakikita ko siya. Natataranta ako kapag nandiyan siya baka maging mitsa pa iyon para matanggal ako sa trabaho. Nakakatakot naman ang lalaking iyon.

"Erica!" Lumingon ako ng may tumawag sa akin.

"Mag handa ka na malapit na ang oras!" Sigaw ulit nito sa hindi kalayuan.

"Opo Nay!" Ganting sigaw ko para marinig niya.

Tinatamad na tumayo ako.

*****

Ilang oras na ako rito sa restaurant salamat naman at hindi ko nakita ang tegreng boss ko. Abala rin ako dahil sa dami ng besita. Walang tigil ang pagsidatingan ng mga ito. Halos lahat ng pumupunta sa resort na ito ay mga mayayaman base na rin sa mga suot nila. At saka sino bang low class makaka afford ng mga bayarin dito. May room pa na tumataginting na 10,000 per night. Maganda rin naman kasi ang room parang nasa hotel. Walang cottage cottage dito kagaya ng sa mumurahing resort. Mga elegant room ang naririto, may treehouse rin at indian room na mala hotel rin. Yun yata ang pinaka mura 5,000 , mahal parin.
Kadalasan mga foreigner, na walang pakialam sa mga taong nakapaligid ang narito, dahil naglalakuwatya sa buong resort na naka 2 piece, sana all.

Kaya pala ang daming guess ngayon sabado nga pala, kaya maraming turista. Marami rin akong trabaho. Aligaga ako dahil tatlo lang kaming waiter dito, sa laki ba naman ng restaurant na ito tapos tatlo lang kami sinong di mahihilo sa kaliwa't kanan na tumatawag na customer. Paano ba naman kasi kanina lang may natanggal na waiter. Dahil sa reklamo ng isang customer, dahil natapunan ito ng salad. Na kasalanan rin naman nito. Ilalapag na sana sa mesa nito ang salad bigla ba namang tumayo kaya ayon nasamid at tumilapon sa mukha nito. May kasama pa iyong ice tea. Siya pang may ganang magalit.

Nagdidilim na, parang hindi pa rin nawawala ang mga tao. Parang nahihilo narin ako sa pagod. Umupo pa ako ng saglit pero may tumawag naman, kaya mabilis akong tumayo para lapitan ito. Pero hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan ay isang bulto ng katawan ang nabunggo ko dahil biglang nagdilim ang paningin ko at hindi ko nakita ang tap. Bumunggo ako marahil sa dibdib iyon dahil matigas. Akala ko babagsak ako pero naramdaman ko ang brasong humapit sa bewang ko. Kaya nagtaas ako ng mukha, medyo madilim parin ang paningin ko pero kalaunay naging maliwanag iyon, sapat para makita ko ang mukha ng isang lalaki na nabangga ko. Sapat para makilala ko ito.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang lalaki. Presko ang mukha nito. Clean cut hair , matangos ang ilong , makinis ang mukha. Perpekto ang makapal na halos nag iisang linya na kilay nito. Ang maninipis na labi nito na mamula mula. Bakit parang natutukso akong halikan 'yun. Nakita ko pa ang paglunok nito dahilan ng paggalaw ng adams apple nito. Binundol na ng kaba ang dibdib ko. Gash! His a goddes. Lumabas pa ang isang dimple nito ng bahagyang kumibot ang labi.
Damn hot!
Kaya napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang kakaibang kuryenteng dumadaloy sa systema ko mula sa braso nitong nakahawak sa bewang ko. Naramdaman ko pa ang marahang haplos ng palad nito na naging dahilan ng matinding pagwawala ng mga kulisap sa sikmura ko na patuloy na nag huhuramentado, na hindi ko maintindihan kung bakit. Parang tumigil rin ang pag ikot ng mundo ko, wala akong ibang nakikita at nararamdaman sa mga oras na iyon, kundi ang lalaking ito lang. Animo dinadala ako nito sa kakaibang dimension na kami lang dalawa. Hindi ko man lang naramdaman na nasa gitna kami ng maraming tao. Dahil siya lang talaga ang nakikita ko.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now