KABANATA 32: PAGLULUKSA

59 2 1
                                    

   3 MONTHS LATER

Axel's POV 

 Wala akong ibang naririnig mula sa madilim, kun'di ang *tot na tunog ng hindi ko alam kung ano.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, mabigat ang mga talukap ng mata ko, pero pinilit ko pa ring imulat. Sa una ay malabo ang paningin ko, pero kalaunay luminaw na ito, pero  nasisilaw ako liwanag na sumabog sa paningin ko. Muli kong ipinikit ang mga ko at mabilis ring binuka hanggang sa masanay ang paningin ko sa liwanag. Pilit kong ginalaw ang kamay ko pero hindi ko magalaw, namamanhid ang buo kong katawan. Bakit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Sinubukan kong gumalaw ulit pero hindi ko talaga maigalaw. 

Shit! I curse in my mind, dahil pati bibig ko ay hirap akong igalaw.

Pinasyal ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kuwarto. Maputi lang ang nakikita ko at tanging tunog ng hindi ko alam kong anong machine iyon dahil tot* tot* tot* lang ang naririnig ko. 

"Ohmm." Hindi rin ako makapagsalita ng maayos. May kung anong plastic sa bibig ko. 

Ang leeg ko naman ay parang may nakabalot, na plastic. What's happening to me? Why am I like this?

Maya maya ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto at mga yapak ng paa papalapit sa akin. Hindi ko siya malingon ng maayos. 

Nakita ko ang isang uniformadong nurse na may dala-dalang card board, na ngayon ay nasa gilid ko, sakto lang para makita ko siya. Nanlaki ang mata nito ng makita ako, saka mabilis na tumakbo. Hindi ko maiwasang magkunot ng noo dahil sa inakto ng babae.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumukas ulit ang pinto at sumara, tumambad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng PPE( PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT) sa likuran nito ay ang magulang ko at ang nurse kanina. Gano'n rin ang soot nila naka PPE .

"Kuya?" Anang babae. Siya ang kapatid ko. 

Chinik niya ang mata ko gamit ang maliit na parang flashlight. Tinanggal rin nito ang nakatakip sa bibig ko. 

"Anong nararamdaman mo? "Nakita ko ang bumalatay na pag aalala sa mukha ng kapatid ko.

Si mommy at daddy naman ay naiiyak.

"E-e-r-ca…" Pilit akong nagsalita ng maalala ko ang nangyari. 

Ang asawa ko, nasaan siya? Nahulog siya sa dagat, naligtas kaya siya? 

'Yon ang gusto kong itanong pero hindi lumalabas sa bibig ko. Hinanap ng mga mata ko ang asawa ko, nagbabakasakaling nandito siya. Pero nabigo ako ng hindi ko siya nakita. Matinding kaba ang bumangon sa puso ko.

Wala ring ni isang umimik. 

Kaya inulit ko ang pagsambit sa pangalan ng asawa ko.

Pero imbis na sagot nila ang narinig ko ay hagulhol lang ni mommy ang naririnig ko. Kaya namuo ang luha sa mga mata ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namuo roon at, sunod sunod iyong pumatak. Anong ibig sabihin ng hagulhol ni Mommy? Wala na ba ang asawa ko? Ang mga anak ko? Hindi hindi maari!

Agad na dinaluhan ako ng kapatid ko.

"Kuya, magpagaling ka muna. 'Wag ka munang masyadong mag isip. Kailangan mong magpalakas. You've been in coma for more than 3 months. And you're here at our hospital." Narinig kong sabi ng kapatid ko. Dahan dahan akong umiling.

Na coma pala ako? How useless I am. Mas lalo akong nanlumo sa nalaman ko.

"E-er-ca…" Gusto kong isigaw ang pangalan ng asawa ko. Baka marinig niya ako at puntahan niya ako. Baka nandiyan lang siya .

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now