KABANATA 24: SAVE ERICA

73 3 1
                                    

Erica's POV

Isang linggo ulit ang lumipas wala pa ring nagligtas sa akin. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na nandito pq rin ako. Wala man lang bang nakapag report na nawawala ako, do my parent know about what happen?

Ang saklap naman nito parang wala namang nagmamahal sa akin eh.

Kinapa ko ang tiyan ko ramdam ko ang maliit na umbok sa puson ko, saka bumuntong hininga. Hindi ako makapag-isip ng maayos kong paano ako tatakas. Sino bang makakatakas dito sa lugar na 'to?

Araw araw nanghihina ang katawan ko, dahil sa kakasuka. Kawawa naman ang anak ko wala man lang siyang vitamins sa nakukuha sa akin.

Napahagulhul pa ako, ng walang makapang pag-asa.

Napatigil ako ng biglang nag unlock ang pinto. Gaya ng karaniwan kong ginagawa ay hinihintay ko ang taong luluwa roon.

Napatayo ako ng si Harold ang naroon. Nasa likuran nito si David at ang dalawang lalaking hindi ko kilala.

Lumapit si Harold sa akin, bumalik ako pagkakaupi at nanatili lang sa posisyon kong naka upo sa kama habang hinihintay ang susunod niyang kilos.

"Ano ba naman iyang asawa mo Erica. Hindi ko alam kong mahal ka ba niyan o hindi. Ang magulang mo naman pinaabot ko na sa kanila na nasa kamay kita at nangaganib ang buhay mo. Walang response, asawa mo na lang sana ang pag-asa ko, pero wala yatang pakialam ang isang 'yon sayo dahil ang tagal ibigay ng hinihingi ko. Hindi pa mamatay matay." Inis na bungad nito sa akin.

Napangisi ako, ngisi na may pait, na may sakit.

Saka ko siya tinitigan ng mariin, nakakunot lang ang noo nito.

Ang ngisi ko ay naging halakhak, napatingala pa ako. Humalakhak lang ako hanggang sa may naramdaman akong luha na nag landas mula sa mata ko.

"Are you crazy.!"

Tumigil ako sa pag tawa.

"Wala kang maaasahan kay Axel, Harold, he doesn't love me." Mapait kong sabi saka yumuko.

"What do you mean?" Takang tanong nito.

"Pinakasalan niya ako for business purposes only."

Halos pumiyok na ang boses ko sa sinabi ko, nanginginig ang labi ko dahil bumalatay na sakit sa puso ko.

Narinig ko pang nagmura si Harold, at sinabunutan ang sarili.

Mahigpit niya akong hinawakan sa braso, napangiwi ako sa sakit dahil sa ginawa niya, hinila niya ako patayo.

"Patayin na lang kaya kita wala ka namang silbi eh." Namimilog ang mata nito sa galit ng sabihin iyon, nanlilisik ang mga mata nito na nagmistulang halimaw.

Nakaramdam ako ng panginginig ng kalamnan.

Paano kong patayin niya nga ako, paano ang anak ko. Napahawak ako sa puson ko, saka pumikit.

Dios ko, kung mamamatay man ako ngayong araw na 'to. Patawarin n'yo po ako sa kasalanan ko. Pinapatawad ko na rin po ang mga taong may sala sa akin. Pakisabi na lang po sa magulang ko na mahal na mahal ko sila. P-pati na rin kay Axel. Mahal na mahal ko siya, sobra.

Pipi kong dasal.

Maya maya ay naramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko at pagdampi ng labi nito. Nangilabot ako sa ginawa niya

"Pero pasasayahin na muna kita bago ko gawin iyon," bulong nito sa punong tainga ko na mas lalong nagpakilabot sa akin.

Buong lakas kong itinulak ang malaking bulto ng katawan nito.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon