KABANATA 28: #LOVENESS

77 4 1
                                    

Erica's POV

"Successful ba ang pang aakit ko sayo?" tanong ko sa asawa ko ng minsang namasyal kami sa farm ng umagang iyon.

Isang buwan na rin ang lumipas simula ng mangyari ang incedenteng iyon sa opisina nito. Umuwi na rin kami sa mansion dahil namiss ko ang ambiance ng hacienda. Mukhang nasanay na ako rito. 

Kapuna puna na rin ang paglaki ng tiyan ko, dahil kahit tatlong buwan pa lang ang tiyan ko ay klaro na. Kambal ba naman ang namamahay rito. 

"Hindi mo naman kailangang, akitin ako, dahil noon pa man akit na akit na ako sa'yo." Nakangiti nitong saad. Kaya napahinto ako sa paglalakad. 

Nangunot ang noo ko, saka ngumiti. 

"Talaga?" 

Sa loob ng isang buwan naging tahimik ang buhay namin. Pero ngayon ko lang sinubukang ungkatin ang nararamdaman nito sa akin. 

Marahan itong tumango, saka niyakap ako.

"I can't believed it na ang babaeng pinangarap ko dati ngayon ay kapiling ko na at magiging nanay pa ng mga anak ko," anito habang panay ang halik nito sa noo ko.

Itinulak ko siya dahil nalilito ako sa pinagsasabi niya. Anong pangarap ang pinagsasabi nito.

"Magkwento ka," sabi ko at naunang naglakad papunta sa ilalim ng manggahan kung saan may mesa at upuan roon. 

Naramdaman ko naman ang pagsunod ng asawa ko, saka umupo sa tabi ko.

"Mahal kita noon pa," Umpisa nito. 

Kumalat na ang animo virus na kilig sa systema ko, at kusa namang gumuhit ang ngiti ko sa labi..Everytime na banggitin nito ang salitang 'Mahal kita' hindi ko mapigilang kiligin talaga.

"Simula mga bata pa tayo," Patuloy nito.

"Eh, bakit mo ako inaaway " Nakanguso kong sumbat rito, na animo nagtatampo sa ginagawa niya sa akin dati.

"Masungit ka kasi hindi ka malapitan, and for me that is the best way para makalapit ako sa'yo, ang e bully ka." Ngingiti ngiting kwento nito. 

Napangiti ako parang drama lang, kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran. Napatawa pa ako ng umiktad ito. 

"May kiliti ako d'yan, honey." Reklamo nito.

"Go on," sabi ko. I want to hear his story.

"Kaya 'yon, bunubully kita. Sobrang iyak ko nga nong umalis kami papuntang state. Wala akong magawa kasi si mommy na ang may gusto. Feeling ko broken hearted ako noong panahong iyon, inilayo ako ng kapalaran sa taong mahal ko." 

Hindi ko mapigilang mapatawa sa ka cornyhan nito.

"Ang corny mo pala." Bulalas ko habang tumatawa.

"Yeah, I am. Because of you." Banat pa nito. 

Mapupunit na talaga ang bibig ko sa kaka smile dahil sa kilig ko sa mga banat nitong walang hiyang ito. Kilig to the bones yarn!

"What about, no'ng sinabi mo na ipinagkatiwala ako sa'yo ng magulang ko, para protektahan mula sa tito Arnold mo? Ibig bang sabihin no'n, kilala muna talaga ang mapapangasawa mo, bago pinagkasundo?" Takang tanong ko kasi, sabi niya dati he was surprised when we meet at the engagement party. 

"Ah 'yon? Totoo I was surprised when I meet you at nalamang ikaw ang mapapangasawa ko. Kilala ko ang magulang mo pero hindi ko alam ikaw pala ang anak nila. I haven't heard about you for such a long time. At hindi ko rin naman nakilala ang magulang mo when where kids. And I was surprised too when your mother knew about my feelings for you. Kaya ako napili nilang ipakasal sa'yo," napakunot noo ako sa kwento nito. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now