KABANATA 14: ANGELINE HERMÉS

75 4 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na ako mapakali. Hindi ko akalain na sa sobrang saya ko ay hinalikan ko siya sa labi. 

Naalala ko pa kung paano kami, kantiyawan ng mga empleyado doon. Nababaliw na talaga ako, gumagawa ako ng bagay na hindi ko man lang pinag-isipan muna.

Nag-aya si Axel na mag mall kami, sobra saya ko. Parang gusto ko na lang manatili sa araw na 'to, kasi baka bukas makalawa, ay hindi ko na ulit maramdaman ito. Ramdam ko na mahalaga ako kay Axel dahil sa mga bagay na pinapakita niya na hindi ko akalaen na ipapakita niya sa akin at ipaparamda.

Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. 'Yon bang nagpakasal kami kasi mahal namin ang isa't-isa. 

Kumain kami, sabay nagpa-spa whichI enjoy the most. 'Di ko na namalayan ang pagpapalitan namin ng mga ngiti sa isa't-isa. 

Sana hindi na lang matapos ang araw na 'to, hindi ko maintindihan ang sarili ko, natatakot ako baka panaginip lang ang lahat ng 'to. At paggising ko siya na ulit ang dating Axel, cold, fierce, madilim kung makatingin. 

"Come on, hon. Magsisimula na ang palabas," yaya niya dala dala ang maraming popcorn at drinks. Ang mga bodyguard kasi, may sariling mundo, naglalaro ng baril barilan doon sa game department ng mall.

   Napatigil ako dahil sa endearment na binanggit niya. Masarap sa pandinig, kaya hindi ko napigilan ang mapangiti saka lumapit pa lalo sa kanya.

Panonood kasi kami ng sine. This is my first time going out with him and it makes me feel better. 

Nakita ko na nagtitinginan sa kaniya ang ibang mga babae. Panay pa ang bulungan ng mga ito na dinig na dinig ko, bubulong na nga lang ang lakas pa.

"Grabe ang guwapo, ang lakas ng Charm niya, nakakalaglag panty." Kilig na sabi nang isa na pilit iniipit ang tinig 'wag lang mapatili.

Napataas ako ng isang kilay saka 

napasimangot ako sa narinig ko. Iwan ko 'di ko alam, basta naiinis ako. Kaya inirapan ko sila ng matuon ang tingin sa akin. Ang insensitive nila kita ng may kasama 'yong tao kung kiligin. Mabilis kong nilapitan si Axel saka umabresyete ako sa kanya na siyang kinagulat nito. 

Kaya nginitian ko siya, gumanti naman ito ng ngiti na mas lalong nagpalitaw ng mga dimple niya. 

Cute talaga!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong tinawag na, Hon ng mga sandaling iyon. Pero dati naiinis ako as in nakakairita 'pag tinatawag niya ako ng mga endearment na kung ano-ano.

Pero ngayon, parang lumulukso ang puso ko sa tuwing tinatawag niya ako ng hon, sweetheart, love at kung ano-no pa.

Nanood kami ng sine, romance at action ang genre ng pinanood namin. 

Sinipat ko si Axel, masyado siyang nakafucos sa pinapanood niya, kaya mataman ko siyang pinagmamasdan. Ang guwapo talaga ng asawa ko, kahit may kadiliman pero parang may flashlight ang mga mata ko. Kitang kita ko talaga ang ka guwapohan niya. 

Dati pa naman siyang gwapo, pero ngayon ko lang na appreciate, he is drop dead handsome. Para siyang si Kim Myung-soo pero dalawa lang at malalalim ang dimple niya pero 'yong mga mata niya ay parang Kay Lee min-hoo, strict. Totoo ang sabi no'ng mga babae kanina, ang lakas ng charm niya matatangay ka. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya na mas lalong nagbigay ng kakaibang kiliti sa sistema ko.

Napangiti ako. 

"Baka matunaw ako kakatitig mo." 

Narinig kong sabi niya. Na hindi man lang nag-abalang tingnan ako. Kaya mabilis kong itinuon ang pansin ko sa screen ng senihan saka napalunok ako. Ang lakas ng pandama niya, para tuloy nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga pagpapantasya ko sa kanya. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellDove le storie prendono vita. Scoprilo ora