KABANATA 10: KULONG

67 5 0
                                    

Alex POV

"Manang Belen," tawag ko sa mayordoma namin. Galing ako sa kwarto kararating ko lang from work, akala ko natutulog na si Erica pero nagtaka ako dahil wala ang asawa ko sa kuwarto. Lage ko siyang nadadatnang tulog since the day I saw her naked body.

Kaya out of curiosity hinanap ko siya sa cr o balcony pero wala roon, wala sa mansion si Erica kahit sa labas o sa farm wala at saka madilim na rin, kaya itatanong ko sa katulong.

"Yes po señorito, may kailangan kayo?" anang Manang Belen na may bubbles pa ang kamay dahil naghuhugas ito ng plato.

"Si Erica manang, did you see here?" Panimulang tanong ko.

"Ay, naku sir sumama kina Danny, do'n sa bahay nila, eh sabi nag paalam raw siya sa iyo do'n siya matutulog," sagot nito.

Napakunot noo ako, nag paalam? Hindi nga ako kinakausap no'n, paanong nagpaalam?

Hindi ko alam kung bakit, pero tumayo ako at iniwan si manang Belen na speechless.

Ginamit ko ang mini jeep ko At binaybay ang daan patungo sa bahay nila Mang Danny. Hindi ko na kailangan pang lumabas sa malaking gate para puntahan sila kasi nasa property naman namin sila nakatira. Kaya do'n din ang daanan sa manggahan.

Napatingin ako sa wristwatch ko malapit na palang mag alas otso ng gabi. Ano namang pumasok sa kukuti ng babaeng iyon naisipan pang do'n matulog.

Pero ang pinagtataka ko, bakit ako concern sa kanya? Huminto ako sa pagmamaneho at nag isip.

Bakit nga ba ako concern? Ah siguro dahil baka kung anong mangyari sa kanya at ako pa sisihin ng magulang niya at saka asawa ko siya dapat concern talaga ako.

Napa smirk ako sa mga naiisip ko, saka napapailing.

Nakarating na ako sa compound ng mga magsasaka. Narinig ko pa ang ingay at tawanan ng mga tao roon. Isa na roon ang tinig ni Erica. Mabunganga talaga, ang liit na babae ang lakas ng boses. Six footer ako samantalang si Erica ay 5' footer lang parang elementary.

"Tao po!"

Walang sumagot masyado silang busy para mapansin na may nag tatao po. Rinig ko rin ang mga kantahan nila talagang nagkakasiyahan sila. Pumasok na ako sa parang lagusan ng gubat kasi mga mayayabong na bulaklak ang nag seselbing pintoan papasok sa bakuran nila.

Nakita ko si Erica at tatlong magkakapares at pati si Perry. Tinutukso pa nila si Erica na baka lasing ito. Pinalibutan nila ang nag aapoy na kahoy.

Napatingin ako sa isang gallon na may lamang kulay orange na nakalapag sa lupa. Ang alam ko coconut wine iyon at nakakalasing.

Dahan dahan akong lumapit, tipsy na magsalita si Erica kaya halatang lasing na ito. Nakita ko siyang tumayo at pasuray suray ang katawan. Mabilis akong lumapit dahil parang matutumba siya at hindi nga ako nagkamali, mabilis ang ginawa kong kilos para masalo ang pabagsak niyang katawan.

" Hai, Hindi ako lashing kanina ka pa?" anito na sinisinok na saka nawalan ng malay sa braso ko.

Ang baho pa ng hininga nito. Shit!

Mabilis na tumayo ang mga tao roon, gulat na gulat sa pagdating ko.

Kinusot pa ni Perry ang mata niya saka tiningnan ako ng mabuti.

"Abha, Danny shi Sheñorito Axel nga," anang Perry na halata na rin ang kalasingan.

"Naku Señorito pasensya na po kung naparami ang inom ni señorita ayaw kasi papigil, at saka ok lang raw po iyon sa inyo kasi wala naman raw po kayong pakialaam sa kanya, eh." Kinakabahang tugon ni Aling Lucing, nakita ko namang siniko siya ni mang Danny.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu