CHAPTER 46:#TRUST

92 5 0
                                    

Pagdating na pagdating namin sa hospital ay tinakbo ko na ang daanan patungo sa ICU. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa muling pangingilid ng luha ko ay hindi ko pa rin tinigil ang pag takbo. Kaya hingal na hingal ako ng makarating sa waiting area sa labas ng ICU kung saan naroroon rin ang pamilya Alcantara pati na ang mga anak kong kambal. Nang makita ako ng kambal ay agad itong tumakbo sa akin at nag iiyak. Tinanggap ko agad ang yakap nila, at umiyak na rin.

"M-mommy…." Iyak na sigaw ng mga bata habang nakayakap pa rin sa akin.

"Shhh, tahan na magiging ok rin ang kapatid nyo. Stop crying. Shh." Alo ko sa dalawang bata na walang tigil sa pag iyak. Hinagod ko ang likod nito.

Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi, may naramdaman pa akong humagod sa likod ko. Alam kong si Axel iyon, sumama kasi ito sa akin. Hindi narin ako nag inarte pa dahil may sasakyan naman ito kaya mabilis kaming nakarating.

Napansin ko naman ang doctor na lumabas mula sa pinto ng ICU. Inilayo ko muna sa pagkakayakap ang mga anak ko saka tumayo. At mabilis na sinalubong ang doctor. Ito rin ang doctor dati ni Jayve nang isugod siya dito.

"D-doc, ang anak ko , anong lagay niya?" Mabilis na tanong ko.

Malungkot ang mukha ng doctor ng tanggalin nito ang mask nito. Kaya kinakabahan ako sa pwedeng sabihin nito. Kumapit na ako kay Ed, baka hindi ko kayanin ang sasabihin nito. Kinagat ko na rin ang labi ko dahil sa kabang naramdaman ko.

"Miss Alcantara I'm sorry to say this,nasa panganib ang buhay ng anak mo. Baka hindi na siya abotan ng dalawang araw. He needs a heart surgery. Pero hindi kami pwedeng mag perform ng surgery dito dahil kulang kami sa doctor at sa gamit for heart operation. And also sa case ni Jayve, kailangan talaga sa mas malaking ospital gawin ang operation." Paliwanag ng doctor.

Nag animo jelly ang tuhod ko sa bawat salitang binibitawan ng doctor. Nanginginig ang kalamnan ko.

"D-doc, m-magkano po ang kailan para sa operasyon." Halos pabulong na sabi ko dahil pati sa pagsasalita ay parang wala na'ng lakas ang bibig ko.

"Since this is a Coronary Artery bypass grafting we will do a double valve replacement, bio prosthetic, it can cost 1,200,750 pesos."

Pagkasabi ng doctor ay agad na bumigay na ang tuhod ko. Buti at nandon si Edward kaya naalalayan niya ako. Saan ako kukuha ng ganoong halaga.

"The down payment is 500,000 Ms. Alcantara."

Mas lalo lang akong nanghina. Lumingon ako kay Nanay Celia na inaalalayan rin ni Tatay. Nawalan ako ng pag-asa. Wala kaming ganun kalaking halaga, kung mangungutang kami saan naman at baka matagalan pa. Ang sabi ng doctor baka hindi na umabot ng dalawang araw ang buhay ng bata.

"Nay," sambit ko sa pagitan ng paghikbi ko. Pilit na tumayo ako ng tuwid saka lumakad sa gawi ni Nanay nakaalalay lang si Edward sa akin na umiiyak rin." Anong gagawin ko, nay ayokong mawala si Jayve." Iyak na saad ko.

Pakiramdam ko punit punit na ang puso ko sa loob dahil sa nararamdaman mo. Parang binugbog ang puso mo. Nabaling ang tingin ko kay Axel. Karga nito ang dalawang anak ko habang nakayakap rito ang mga ito. Nakatingin rin ito sa akin. Nakita kong ibinaba niya ang mga bata saka may sinabi sa mga ito. Nakita ko namang umupo ang mga bata sa upuan saka niyakap ang isa't isa. Habang patuloy ang pag iyak. Nakita ko ang sakit sa kanilang mga mata. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng mga anak ko. Paano ang mga anak ko pag mawala si Jayve, mahal na mahal nila si Jayve.

"Erica." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala si Axel. Walang ano ano'y yumakap ako rito. Saka humagulhol. Hindi ko alam kung bakit ako yumakap rito, parang may sariling isip ang katawan ko at kusa ng yumakap rito. Naramdaman ko naman ang mainit at mahigpit na yakap nito sa akin na nagpapagaan ng loob ko. Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa mapagod ako. Saka lang ako kumalas, pagkalas ko ay siya namang pag hawak nito sa kamay ko saka hinila ako. Nagpatianod lang ako sa hila nito, hindi rin ako nag reklamo. Hanggang sa napunta kami sa isang pasilyo na walang tao at 'dun siya tumigil.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora