CHAPTER 48 #ROADtoHAPYYEnding

88 3 0
                                    

"Nay, Tay!" Tili ni Edward matapos makita ang isang trending na breaking news sa kanyang cellphone. Kuha ito ng isang sikat na reporter. Actually hindi pa nito nabubuksan ang video, nagreact lang ito dahil sa nakita sa heading.

'Long lost wife of the Billionaire' Tapos larawan ni Erica at ng asawa nito ang makikita sa unang bahagi ng vedio.

Dali daling pumasok ng kabahayan si Edward para ipakita sa kanyang magulang ang nakita sa cellphone nito na bagong bili lang.

"Dios ko, anak bakit?" Kinakabahang saad ni Nanay Celia may bubbles pa ng sabon ang kamay nito ng lumapit. Galing kasi ito sa kusina at naghuhugas. Napasugod na rin ang ama nito na abala sa pagkakape ng hapong iyon.

"Inay Itay, tingnan nyo po si Ate Erica." Mangiyak ngiyak na sabi ni Edward at binigyang access ang mga magulang para makita ang nasa video.

"Dios ko naman Ed kung makasigaw ka naman akala ko may sunog na." Bulalas ng ama nito.

Binatukan naman siya ng ina.

"Aray naman Nay." Reklamo nito
Umupo sila sa sala de kawayan at inilagay ni Edward ang cellphone sa ibabaw ng mesitang kawayan at pinatong sa cp Holder. Sinimulan na nilang panoorin ang balita.

"Isang anak ng Billionaire na si Paul Hermés at asawa ng isang multi Billionaire na si Axel Charles Hill, ay natagpuan na matapos ang mahigit limang taong pagkawala nito." Simula ng reporter.

Nakita rin nila si Erica habang pababa sa itim na limousine, kumikislap kislap pa ang imahe nito dahil sa flash ng mga camera na nakapaligid rito. Naglalakad na ito sa red carpet na nakasuot ng kumikinang na palamuti na kulay ginto. Napakaganda nito sa suot nito. Hapit na hapit sa katawan nito ang fitted na gown. Sa kanan naman nito ay ang gwapong si Eric na nakasuot ng Americana katabi nito si Jayve. Sa kaliwa nito ay ang napakaganda ring si Alexa na nakasoot ng gown na gaya sa pagkakatahi ng sa kanyang ina.
Bumaling naman ang camera sa likuran nito, nandoon si Axel sa likuran nila sumusunod. Guwapong guwapo rin ito sa soot na itim na Americana, kitang kita sa mga kasuotan ng mga ito ang karangyaan. Hindi maipagkakailangang dugong bughaw ang mga ito. Lumapit si Axel sa mag iina at kinarga si Alexa saka bumaba naman ang braso nito sa bewang ni Erica na kinahiyaw ng mga tao.

"Dios ko Nay, magaling na si Jayve." Mangiyak ngiyak na sabi ni Edward.

Simula kasi nung araw na dinala nila si Jayve para ipagamot ay nawalan sila ng communications dahil naiwan ni Erica ang cellphone nito. Nahihiya naman siya o mas tamang sabihin na ayaw talaga niyang kumausap sa Manager para sana hingin ang numero ni Axel dahil naiinis siya sa malagkit na titig ng manager na si Cathy.
Kaya naghihintay na lang sila ng update. Isang buwan na rin ang lumipas.

Napalingon naman si Edward sa nanay at tatay nito na panay pahid ng mga mata.

Sabay naman binalik ng mga ito ang tingin sa Cellphone ng marinig si Erica.

" Nagkaroon ako ng amnesia sa loob ng mahigit limang taon kaya hindi ako nakauwi. In fact, my memories just regained recently. And I am so Thankful sa mga taong kumupkop sa akin, itinuring akong pamilya. Not just me ,but also to my kids. Ang pamilya Alcantara. Nay, Tay, Ed kung nanonood kayo, nakakaalala na po ako. To Edward na itinuring akong tunay na kapatid, you're right, Axel is my husband. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan niyo sa loob ng maraming taon. Hindi masusuklian iyon ng pera. Kaya gagawin ko po lahat para mapasaya kayo. And anyway don't worry about Jayvee. He is now a Healthy child. Hindi ko siya pababayaan." Mahabang pahayag matapos tanungin ng isang reporter.

Nag iiyakan naman ang pamilya Alcantara matapos mapanood at mapakinggan ang speech ni Erica.

"Nay may royal blood pala si Ate Erica, makukulong kaya ako dahil sa ginawa kong pambabatok sa kanya at pagsasalita ng kung ano ano, at minsan binubully ko siya, pero joke lang naman yun eh." Tanong nito sa ina sa pagitan ng pag iyak nito.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now