KABANATA 31: TRAHEDYA

58 3 1
                                    

Erica's POV

Magkayakap kami ni Axel habang pinakikiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. 

Nakababa na kami mula sa rooftop ng yacht. Huminto na rin ang Yacht sa gitna ng dagat at tanaw namin ang maasul na karagatan na animo nag niningning dahil sa sikat ng araw. 

Panay ang haplos nito sa buhok ko, masarap sa pakiramdaman ang mga haplos niya na iyon. Nakakagaan ng pakiramdam.

Pinakikinggan ko ang malakas na tibok ng puso ng asawa ko.

"Do you know what it says?" Biglang tanong nito.

"Hmm? " 

"Pinakikinggan mo ang tibok ng puso ko right?" 

 "Yeah. Why? Ano bang sabi?" 

"Erica! Erica! Erica!" sabi nito. 

Natawa ako sa sinabi nito saka inilayo ng bahagya ang katawan ko at pinagmasdan siya ng may kunot sa noo.

"Really?" 

Tumango siya saka ngumiti litaw ang malalim na dimple sa kabilang pisngi na mas lalong nag pa antig sa akin. Nakakadagdag ng appeal ang biloy nito.

"Corny mo," hinampas ko pa siya ng mahina sa dibdib. 

Tumingkayad ako para halikan siya, dampi lang ang ginawa ko. Saka nagngitian kami sa isa't isa.

"I love you, Axel," sabi ko, habang nakatitig pa rin sa kanya.

"I love you more, honey, to the moon and back," he answered. 

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pumutok ang malakas na kulog sa sa kalangitan. Sabay kaming tumingin sa kalangitan, napakapit ako ng mahigpit sa asawa ko ng makita ko ang unti unting pagdilim ng langit kasabay ng pagguhit ng kidlat roon. 

Kinakabahan ako, lalo na nang mag iba ang ihip ng hangin. Mas lalong lumalaki ang alon sa dagat, ang malakas na hangin ay may dalang tubig.

"Señorito!" Tawag ng capitan. 

Sabay na rin kaming lumingon ni Axel.

"May law pressure po na paparating sa islang ito!" Pasigaw na sabi nito.

"A-Axel," sambit ko nang marinig ko ang sinabi ng kapitan.

Nakaramdam kasi ako ng takot at pangamba. Nasa gitna pa naman kami ng karagatan hindi ko na nga matanaw ang pinanggalingan namin dahil masyado na kaming malayo.

Hinigpitan ng asawa ko ang paghapit sa baywang ko ng hindi ko man lang namalayan na gumapang na pala ang kamay nito, lalo na no'ng naramdam na namin pag uga ng Yachty dahil sa hampas ng alon.

"Akala ko ba na check niyo ang weather ngayon and you said, maganda ang panahon." Bakas na ang galit sa boses ni Axel.

"Opo señorito, 100% na check namin, pero hindi namin inaasahan na mag-iiba ng direction ang law pressure," nakayukong turan ng Captain ng makalapit sa amin. 

"Damn! Ano pang hinihintay niyo, let's go back!" Sigaw ng asawa ko.

Tumango ang kapitan at tumalima. 

Napayakap ako sa asawa ko ng naglakbay na naman ang malakas na kulog sa kalangitan. Madilim na rin ang paligid. 

"Just relax, we will be okay, I will protect you." Malambing na sabi ng asawa ko para palakasin ang loob ko, saka hinalikan ang buhok ko.

Papaandar na sana ang yachty ng biglang humampas ang malakas na alon. Sakto ang lakas at laki ng alon para abutin kaming nasa ibabaw ng Yachty.

"Axel!" Napasigaw ako ng kamuntikan na kaming matumba, dahil sa pag uga ng sasakyang pandagat.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon