Chapter 41#couple

83 3 0
                                    

Lumakad na ako at lumabas ng kusina. Paglabas ko ay napatili ako ng muntik ko ng mabangga ang kakalabas lang na si Axel. Bagong ligo ito at amoy na amoy ko pa ang sabong gamit nito. 

   Basa pa ang buhok nito dahil may tumutulong tubig. May tuwalya na nakasampay rin sa balikat nito. Napadako ang paningin ko sa hubad na pang itaas  nito. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing nakatapi lang pala ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. 

    Napalunok pa ako ng makita ko ang nag puputukang muscles nito. Gash! Kung nandito lang si Edward. Hihimatayin ito. Natatangi ang ganda ng katawan nito ibang iba sa katawan ng mga sinisilipan ni Edward. Na aksidenteng nasisilipan ko rin dahil sa kalokohan ng bakla.

     Iba kay Axel, makinis , maputi, ang braso nito nag uugat. Ang biceps dios ko ang laway ko. Nakakatakam 'to.

   "Miss Alcantara , ang laway mo." He said in a hoarse voice.

   Kaya napalunok ako at ng makabawi sa paglalaway ay tumalikod ako. Nakakahiya naman. 

  "A-ah s-sir your dinner is ready." Sabi ko pa habang nakatalikod lang.

    Wala akong narinig na sagot. Hindi ko rin naramdaman na umalis ito sa likuran ko. Isa lang na nararamdaman ko ang mga mata nitong animo nanunusok sa likuran ko. Lumingon ako dahil hindi ako mapakali sa pakiramdam na iyon. 

 Pero parang pinagsisihan ko ang  pagharap ko dahil muntik na akong mabangga sa malapad at basa nitong dibdib. 

    Nagsimula na naman ang nagkakarirang kabayo sa puso ko. At pagwawala ng mga kulisap sa sikmura ko.

       Umangat ang mukha ko at nakita ko ang mga mata nitong nag aapoy. It's burning with passion and lust.

   Our eyes lock. Hindi ko magawang umiwas sa mga matang iyon. Para akong hinihila na kahit pilit ko mang iwasan hindi ko magawa. Bumuka sara lang ang bibig ko. Nakita ko pang bumaba ang tingin nito sa labi ko kaya napakagat labi ako.

 " Erica." Tawag nito sa pangalan ko. Husky ang boses nito na siyang dahilan ng lalong pagwawala ng sistema ko.

      Nakita ko ang pagbaba ng mukha nito sa mukha ko na hindi ko maiwas iwasan dahil animo napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Puso ko lang ang nararamdaman kong gumagalaw dahil sa lakas ng tibok niyon na naging triple.

    Naamoy ko na ang mabangong hininga nito. This smell is so familiar. Hanggang sa maramdaman ko na ang mga labi nito sa na lumapat sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito, nanginginig ang mga tuhod ko. Nang maramdaman ko ang malambot at mainit na labi nito sa labi ko. Oo, may anak na ako pero feeling ko first kissed ko ito. Naramdaman ko ang mga kamay nito na kinulong ang maliit kong mukha. Nagsimula ng gumalaw ang labi niya na naghatid ng kakaibang sensasyon at kakaibang kuryente na mabilis na dumaloy sa mga ugat ko. Unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pero bago paman tuluyang tumiklop iyon ay may isang bahagi ng isip ko ang nagpagising sa pang unawa ko'ng malapit ng makalimot.

Hindi, hindi tama ito.  Bago pa ako matangay ay buong lakas ko itong tinulak. 

    Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. 

Umiling ako saka tumalikod at mabilis na lumabas ng kwartong iyon. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko. Pero hindi ko na iyon pinakinggan at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

    Sa dalampasigan ako dumaan pauwi sa bahay namin. Medyo may kalayuan ang bahay namin mula sa resort pero kaya namang lakarin. Gusto kong maglakad gusto kong mag isip. Gusto kong mag-isa.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now