KABANATA 15: Fall in love

67 6 0
                                    

Hindi ako mapakali sa higaan ko, gusto ko ng kurot kurotin ang sarili ko dahil naiinis ako. Ayon sa minimalist wall clock na nakadikit sa wall syempre, alas 12 na ng gabi hanggang ngayon dilat pa ang mata ko. Hindi ako makatulog, ngayon lang ako nanibago ng ganito sa presensya ni Axel. Yes siya ang dahilan, paulit ulit na bumabalik ang mga ala-ala na nangyari ngayong araw.

Para akong sinisilihan dito, pa balingbaling sa higaan. 

Minsan napapangiti ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina sa senihan. Kinikilig ako, shit!

Kung ako lang mag-isa dito kanina pa ako nagtatatalon sa kama, at paikot ikot sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Gusto ko na ngang sumigaw.

"Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ng isang  husky na boses. Kaya naman na estatwa ako, pati paghinga ko ay pinigilan ko. And also my heart skipped beating. Narinig niya siguro ang tunog ng kama sa tuwing nag iiba ako ng posisyon.

"Hmm," Tanging lumabas sa bibig ko nang maramdaman na mauubusan ako ng hangin dahil hindi na ako humuhinga.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Na estorbo ba kita?" tanong ko.

Medyo dim lang ang liwanag ng kwarto kaya naaaninag ko ang pagbangon niya sa may paanan ko. Kaya bumangon na rin ako.

"I'm not sleepy too," aniya saka tumayo. 

 Napalunok ako ng makita ang perpektong hugis ng katawan at nagpuputukang muscle niya na kitang kita ko kahit konti lang ang liwanag dahil topless ito.

Hindi ko na mapipigilan pa ang paglakas ng kalabog nang dibdib ko animo may mga kabayong nag kakarera.

God, these horses stop!

You're teasing me, Axel!

Nakita ko siyang lumabas sa balcony, kaya sinundan ko siya na iwan ko sa sarili ko kung bakit ko ginawa.

"Anong iniisip mo?" tabi ko ng huminto ako sa likuran niya. 

Kasalukuyan siya ngayong nakatingin sa lawak ng manggahan at pinyahan na noo'y naliliwanagan ng mabilog at maliwanag na buwan.

Sana ako na lang ang iniisip mo, dahil ikaw rin ang iniisip ko.

Anang malanding bahagi ng utak ko, na gusto ko ng batukan dahil hindi ko alam kung bakit ganito na ako mag-isip ngayon.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin, parang nagulat din siya kasi muntik ng tumama ang mukha ko sa malapad niyang dibdib, nangangamoy ulam, ay mali ano ba. Naamoy ko ang natural niyang bango na nagpapahuramentado ng mga paru paru sa sikmura ko. Letsheng mga ito, saan ito galing?

Napalunok ako, parang naduduling na ako sa sobrang lapit niya, lumipad ang palad ko sa bibig ko, kasi parang gusto nang lumabas ng tili ko. Ganito na ba ako kiligin. 

Hindi ka naman ganyan dati, Erica.

Oo nga naman, ah! 

Mas lalo lang lumala ang ipinapakitang reaksyon ng mga paru paru sa sikmura ko.

Nagsimula na namang mag malfunction ang sistema ko na talaga namang ikinabahala ko. Dahil hindi naman ako dating ganito talaga at iniiwasan ko ang makaramdam ng ganito. Nanayo ang mga palahibo ko sa braso ng maramdaman ko ang paghinga niya at ang mga titig niya.

Gusto kong umatras pero parang may nakadagan na mabigat na bagay sa paa ko. Parang hindi ko kayang ganito, parang gusto ko, na parang ayaw ko

Alam niyo 'yong gano'n? 

"Ikaw anong iniisip mo?" narinig kung balik tanong niya sa akin.

Kaya napaangat ako ng mukha.

Nasagot na ba niya ang tanong ko? Bakit ibinalik niya sa akin ang tanong? 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon