Chapter 39 #he'sTheBOSS

71 2 0
                                    

Mapalad kami ni Edward dahil natanggap kami bilang waitress sa Hill resort. Kahit na wala kaming experience. Ako lang pala dahil may experience na si Edward sa pag we-waiter. Nakausap na rin namin si Nanay nung una hindi siya pumayag ayaw nitong nag tatrabaho ako. Pero kalaunan pumayag ito dahil hapon hanggang gabi lang naman ang juty ko. Si Edward morning shift siya 7am to 2 pm. Samantalang ako 2pm until 9pm. Pinili ko talaga ang oras na iyon dahil pabor iyon sa akin. Atleast, kunting oras lang ang pagbabantay ni Nanay Celia sa mga bata. Dahil pagsapit ng alas 6 ng hapon ay tulog na ang mga bata. Hindi masyadong mahihirapan ang matanda. Saka naka uwi narin naman si Edward niyan kaya may kapalitan itong magbabantay .

Naghahanda na ako para pumasok. Bago ako pumasok pinaintindi ko muna sa mga anak ko na wala ako sa tabi nila kapag natulog na ito dahil may work ako.

" Why, mommy?" Naalala ko pang sabi ni Eric.

Si Alexa naman ay halos maiyak na.

" Baby, don't cry na huh. Malapit lang naman ang work ko eh. Uuwi rin naman ako dito sa bahay, I need to work for Jayve's medicine, diba you don't want jayve to go back to the hospital?"

Sabay tumango ang tatlong bata na nasa harap ko.

" That's why I need to work to earn money." Nakangiti kong sabi ayuko ko man na iwan sila dahil hindi sila sanay na wala ako lalo na si Jayve at Alexa na sobrang mommy's girl and mama's boy pero kailangan kong mag sakripisyo, para rin naman ito sa kanila.

" Come home early mommy I will wait you po." Mangiyak ngiyak na sabi ni Alexa.

" No, honey you need to sleep I will be home late." Sabi ko rito habang haplos haplos ang ulo nito.

"Don't worry Alexa, mommy will come home." Anang Jayve.

Napangiti naman ako dahil naiintindihan ako nito. Habang si Eric naman expressionless ang mukha. Sa magkakapatid ito ang parang matanda mag isip. May pagka strikto rin ito.

" Come on give mommy a hug." Sabi ko at ibinuka ang dalawang braso mo para yakapin ang tatlo.

Napangiti ako ng yakapin nila ako.

" Sarap naman ng hug na ito. Kiss din please ." Agad naman akong hinalikan ng mga ito.

Hinalikan ko rin sila isa isa. At nilaro ng saglit. Hihintayin ko na lang muna na dumating si Edward saka ako aalis. May tatlongpong minuto pa naman. Susulitin mo muna para sa mga anak ko para hindi ito mag tampo sa akin.

At pagdating nga nito ay umalis na ako. Buti at hindi umiyak ang mga ito. At naaliw sa daddy Ed nila.

***
Bumuntong hininga pa ako bago pumasok sa restaurant ng resort. Ang sabi ni Ma'am Cathy may mag te train raw sa akin.

Nagpakita muna ako sa manager bago ako nagsimula. Para rin naman malaman niya na nandito na ako.

"Oh , ang aga mo yata Erica, wala pa ang mag te train sayo." Nakangiting saad nito ng puntahan ko ito sa opisina nito.

"Magandang araw po." Bati ko rito.

" Come, come have a seat." Yaya nito sa akin.

Agad naman akong tumalima at umupo sa silya sa harap ng mesa nito.

" Since narito kana rin naman , I will give a brief reminder sa mga rules dito. Strikto ang boss natin na nasa kabilang kwarto lang ang opisina. Kaya as posible dapat maaga ka talaga sa pagpasok sa trabaho, at bawal ang tamad dito. Kapag nakita ni boss na tatamad tamad, tinatanggal agad niya iyon. " Sabi nito sa akin.

Medyo kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Cathy. First time kong magtrabaho ng ganito, tapos strikto pa 'yung boss.

"Makakaasa po kayo na tatandaan ko po ang sinasabi niyo ma'am Cathy. Mag sisipag po ako."

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon