KABANATA 29: MOMENT LIKE THIS

65 3 1
                                    

Erica's POV

Naka blindfold ako habang akay akay ako ng asawa ko, nang makababa kami sa sasakyan. May surprise raw ito sa akin. Nakaka excite naman, galing kasi ako kina mommy, pumasyal ako kasi na miss ko sila gano'n rin naman sila sa akin. 

Nagulat ako ng sunduin ako nito saka sinabing may surprise ito, nang nangalahati na kami sa nilalakbay namin ay piniringan na niya ang mata ko. May pa surprise surprise pang nalalaman 'to, kinilig naman ako syempre. 

"Dahan dahan." Narinig kong sabi nito ng pauupuin na niya ako. 

Gusto ko nang tanggalin ang blindfold talaga, kaya lang bilin nito na, do not! Until he say so daw. Nakaka-excite naman itong mga makulo ng asawa ko.

"Hon, kinakabahan ako sa ginagawa mo," sabi ko pa ng makaupo. 

"Just relax. I will make sure magugustuhan mo 'to." Ramdam ko ang excitement sa boses nito. 

"Dapat lang, dahil kung hindi naku kukutusan talaga kita," Mabiro ko pang tugon.

Wala na akong narinig pa mula rito, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagluwang ng panyo na ginamit nito pang piring sa mga mata ko. At unti unting natanggal iyon. Dahan dahan ko namang minulat ang mga mata ko, kasabay niyon ay ang malamyos na musika na nanggagaling sa kung saan. 

Napa hugis O ang bibig ko ng masilayan ang ganda at karangyaan ng paligid. Tumayo ako para ipasyal ang paningin ko. This is beautiful.

Nakita ko ang asawa ko sa harapan ko na may ngiti sa labi habang nakaupo sa tapat ng mesa.

Ang ganda ng paligid, may mga mumunting  string light bulb ball na may iba't ibang kulay, na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi. May nakapulupot sa mga puno na string light na kulay yellow or puti ba 'yan at sa mayayabong na bulaklak sa paligid. May mga lighting lanterns rin nakasabit sa itaas ng puno na walang dahon meron ding nakatayong lighting lantern sa lupa at sa hangdan hanggang sa bukana ng lugar na iyon. Sa ginta naman ng maputing mesa ay may kandilang kulay pula na naka sindi. 

How romantic. 

Lumapit ako sa isang puno kung saan may mga string light with clipped photos on it. Natutup ko ang bibig ko ng ang mga larawang iyon ay kuha pa noong bata ako. Puro mga stolen shot iyon, may larawan ring nakasimangot ako kaya natawa ako. Merong ring litrato na kasama ako ni Axel pero stolen shots rin. Nag mukha akong photo Boomer. Ang mga larawang iyon kuha mula bata pa ako hanggang sa nagdalaga ako.

Napalingon ako sa likuran ko na may ngiti. Hindi ko akalain na gano'n pala talaga ka patay sa akin ang asawa ko.

May inabot sa akin si Axel na hindi ko man lang namalayan kong paano napunta rito, isang bouquet ng pink tulips flower na sobrang favorite ko. 

Inabot ko iyon ng ilahad niya sa akin, sabay ngiti. 

"Gano'n ka ba talaga ka inlove sa akin , noon? And you're really stalking me, huh?" Amuse kong sabi, matapos tanggapin ang bulaklak. 

Tumango ito sabay kamot saka yumuko. 

Hiya yarn.

"Thank you for this, Axel." 

"Actually, hindi lang iyan I have a lot of it , do'n sa library ko. Sa room kung saan tinangka mong pumasok." 

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko.

"You really are obsessed with me?!"  Hindi makapaniwalang sabi ko. Inamoy ko pa ang bigay na bulaklak nito.

Grabe pala magmahal si Axel Hill.

"Wait a minute, what place is this ? This isn't familiar," sabi ko nang maalala ang tungkol sa lugar na ito. 

Hindi naman talaga familiar sa akin ang lugar na ito , napalingon pa ako sa may unahan ng marinig ko ang lagaspas ng tubig mula sa maliit na ilog. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now