KABANATA 27:ILOVEYOUMORE MAHAL KO

73 4 1
                                    

Axel's POV 

Abala ako sa pagrereview ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Isang linggo ko na rin itong hindi nagagalaw at ngayon lang ito magagalaw dahil ngayon ang deadline. Kaya tudo tutok ako sa mga papeles isa isa. Hindi naman pwedeng permahan ko ng hindi ko nababasa, kung pwede lang sana, dahil sabik na rin akong makita ang asawa ko at naiwan ko pa naman siyang wala pang malay kanina. Baka mas lalong magtampo iyon sa akin. 

Napatigil ako sa ginagawa ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam pero masaya ako kahit na sinusungitan niya ako.

Kailangan kong bilisan ito dahil, aaminin ko na sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya ka mahal. Ang corny ko pero totoo naman kasi, mas lalo ko siyang gustong makita araw-araw. Kung pwede lang oras oras nasa tabi niya lang ako, kaso ang sungit. 

Sabi ni Mommy Yza, gano'n daw talaga kapag buntis, baka nga raw maging kamukha ko ang mga anak ko dahil pinaglilihian ako ng asawa ko.

Napapailing na lang ako sa isiping iyon, I can't believe it, magiging daddy na ako. I still can't believe it na ang pinangarap ko dati na sana ako ang mapapangasawa ni Erica na sana siya ang magiging nanay ng mga anak ko, ngayon ay may katuparan na.

Tumigil muna ako sa pag rereview at sumandal sa swivel chair ko at menasahe ang leeg kong nangangalay na. Tinignan ko ang maliit na orasan sa ibabaw ng mesa ko. 

It's been 3 hours, since sinimulan ko ang mga nakatambak na papelis, hindi ko man lang namalayan ang oras. Kaya pala ngalay na ngalay na ang leeg ko. Nangangalahati na rin ako sa mga papelis na 'to, I need to finish this today. 

"Sir Harold, 'wag banned na kayo dito. Umalis kana!" 

Napatigil ako sa ginagawa ng bumukas ang pinto ng opisina at awat awat ni Jelai si Harold, kaya napatindig na ako.

Saka ko lang napansin ang dalang baril sa kamay ni Harold ng itutuk niya ito kay Jelai na secretary ko.

"Shut the f**k up!"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jelai dahil sa takot.

Isang putok ang ginawa nito, bago pumasok ng tuluyan sa opisina at ni lock ang pinto.

"Harold!" sigaw ko sa galit. 

Hindi ko na alam kung saan tinamaan si Jelai at kung ayos lang ito dahil mabilis ang kilos na ginawa ni Harold para makapasok sa opisina.

"Walang hiya ka Harold! Paano ka nakapasok mahigpit ang security system namin pagdating sa'yo!" sigaw ko ulit Habang nag kukuyom ang mga kamao ko. 

Nakangisi itong humarap sa akin.

"Mabilis lang naman, takasan ang mga lampa mong guwardiya, Axel." Sagot nito. 

Hagard ang mukha nito animo, walang tulog, nangingitim rin ang paligid ng mga mata nito at magulo ang buhok. Ang necktie nito ay wala na sa maayos na posisyon ang damit nito ay gusot gusot. What a trash!

Nabigla ako ng itutok niya sa akin ang Baril na hawak.

"You sabotage the turn over paper, Axel! I will kill you!" Sigaw nito, mahigpit pa ring hawak ang baril nito na nakatutok sa akin. Nag-aabang na rin sa trigger guardang daliri nito. Madilim ang mukha niya, malamig ang itim na matang nakatitig sa akin.

Ngumisi ako, saka muling na umupo. 

"Have a seat, Harold." Nagawa ko pang yaya sa kanya.

Kailangan kong maging relax as long as I can.

"No need Axel, dahil papatayin na kita kaagad, right there, right now," anito na hindi pa rin pinababa ang baril na nakatutok sa akin, nagtatagis ang panga nito. Nakaramdam ako ng kaba, hindi pa ako dapat mamatay. Not today, not in this kind of situation. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now