KABANATA 22: DANGER

67 3 0
                                    

Third Person POV

Gusto pa sanang umiyak ni Erica pero dahil sa sakit na nararamdaman ay wala ng luha ang lumabas pa, tuyo na ang namumugtong mata ng lumabas sa building na iyon.

Lulan na siya ng kotse sa mga sandaling iyon. Nakatoon lang ang mga namumugtong mata sa labas ng bintana ng sasakyan.

Minsan pa ng tanungin siya ni Jessie, pero ngiti lang ang isinasagot niya. Ngiting hindi niya alam kung gumuhit ba sa labi niya.

Kahit naman masakit ang ginawa ni Axel ayaw pa rin naman nitong masira ito kaya itatago niya pa rin ang nangyari. Gano'n niya ito ka mahal, hindi mali gano'n siya hibang at tanga dahil nagawa pa rin niyang protektahan ito.

Nakaramdam ng pag baliktad ng sikmura si Erica. Actually, kaninang umaga pa niya iyon naramdaman pero pinipigilan niya lang.

"Jessie, ihinto mo muna ang sasakyan..." aniya ng marahil hindi na mapigilan ang pagkasuka.

Agad namang tumalima ang driver nito, paghinto ng sasakyan ay mabilis pa sa alas kwatro itong lumabas nang sasakyan. Buti na lang at talahiban ang gilid ng daan, free siyang ilabas roon lahat. Sana pwede na lang ipasamang lumabas ng puso niya na wasak na wasak.

"Are you okay, maam?" Buong pag aalalang tanong ni Jessie.

Tango lang ang sinagot nito rito, at sumuka ulit .

"You're not feeling well, maam Erica."

"I'm, ok Jessie lets go," aniya ng mahimasmasan, pero laglag ang mga balikat niya dahil nanghihina siya. Nakaparada rin ang dalawa pang kotse sa gilid ng daan kasunod ng kotse nila.

Papasok na sana sila sa sasakyan ng may biglang humintong isang puting van sa gilid ni Erica.

Taka siyang napatitig rito, pero ng magbukas ang Van ay agad sumikbo ang kaba niya. Lalo na at may dalang mga armas ang iilang mga kalalakihan na lumabas roon. Sa pagkakataong iyon nakatutuk na sa kanila ang baril.

Agad namang bumunot ng baril si Jessie at itinutok rin sa kanila. Gano'n din ang mga nakasunod sa kanilang Anim na body guards ng makalabas ito.

Napahawak si Erica kay Jessie. Nanginginig ang mga kamay nito na animo nag ye yelo sa lamig. Katapusan na niya, y'on ang nasa isip niya.

"What do you want?" Matigas na tanong ni Jessie sa mga armadong lalaki .

Nakabonit pa ang mga ito.

Itunuro nila ang gawi ni Erica. Kaya napasoksok ang babae sa likuran ni Jessie, napakapit pa siya sa suot nitong Amerikana.

"Get inside the car, maam," utos ni Jessie rito, nakatotuk pa rin ang baril sa mga ito.

Bahagyang umatras si Erica para sana pumasok sa kotse, pero isang malamig na bakal ang lumapat sa sintido nito. Na mas lalong nagpanginig ng kalamnan niya.

"J-jessie..." nanginig na sambit nito.

Nakilala niya ang lalaking tumutok sa kanya ng Baril. Isa iyon sa mga bodyguard nya.

"What? You traitor!" Sigaw ni Jessie ng lumingon sa gawi ni Erica. At doon itinuon ang baril.

"D-david, kasabwat mo sila?" Kahit sa kabila ng takot na nararamdaman ni Erica sa mga sandaling iyon ay nagawa pa rin niyang itanong iyon.

Narinig niya lang ang pag ngisi nito.

Ipinulupot ng lalaki ang braso nito sa leeg ni Erica habang nakatotok pa rin ang baril sa sentido ng nanginginig na babae. Napapapikit na lamang si Erica, kung kataposan na niya ngayon, sana naman sa langit dalhin ang kaluluwa niya. Ang saklap naman talaga ng buhay niya.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now