CHAPTER 37 #MULINGpagkikita

59 2 0
                                    

Axel's POV 

Pag-uwi ko galing sa ospital ay dumeretso na ako sa bar ng restaurant sa resort. At agad nag-order ng wine sa bartender.

Marami rami ang customers ngayon dahil bakasyon. 

"Here's your wine sir," anang bartender saka nilapag ang isang glasswine na may laman na. 

Hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina. Sigurado ako si Erica ang nakita ko, ang katawan niya ang height niya lahat lahat, the way she walk, the way she stare  Walang nagbago, and the kids. Ahh it's giving me headache. She's Erica but not Erica Dhana Hermés-Hill, she's an Alcantara. Kahit anong gawin kong titig hindi ako namamalikmata. But it seems that she doesn't know me.

Inisang lagok ko lang ang laman ng wineglass. 

"One more." Utos ko sa bartender. 

Agad naman niya akong binigyan ng isa pa at nilagok iyon.

"Insan!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Walang hiya talaga 'tong si Sunday, hindi man lang naisip na may mga tao itong mabubulabog sa sigaw niya, doctor ito pero kapag wala sa ospital, nagiging sira ulo and unprofessional ito.

Isang buwan simula nang pumunta ito dito sa isla at naki celebrate sa opening ng ospital at sa birthday ng kapatid ko, ay kahapon bigla itong bumalik at nagtrabaho pa sa ospital. Sabi nito broken hearted daw siya at kailangan niya ang ambiance ng isla para maka move on. Dahil 'yong long time crush niya raw na hinintay niyang ligawan siya ay niligawan ng iba. Kaya broken hearted kuno, hindi ko lang alam kong totoo. Dahil wala naman iyang pakialam sa babae. Kung totoo man, masyadong kumpyansa sa sarili dahil ang mga babae na mismo ang nanliligaw sa kanya. Iwan ko sa pinsan ko na 'yan, may sayad.

"Insan, guess what?" Anito ng makalapit at inakbayan ako.

"What?" Cold kong sabi. Saka bahagyang inilayo ko ang katawan sa kanya mula sa pagkakaakbay. 

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Pa trill nitong sabi na nagpainis sa akin.

Kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Isang glass ng brandy nga, e-charge mo na lang sa boss mo," sabi nito sa bartender.

"tsss." 

"So ayon na nga, I saw your wife pre." Balita nito, kaya nag taas ako ng mukha.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"What?" 

"I said I saw Erica at the hospital kanina, doctor ako ng anak niyang may sakit sa puso. Tsk. Kawawa nga iyong bata eh, he need an immediate operation." Pailing iling na saad nito.

Ibig sabihin tatlo ang anak niya? Oo tama sinabi niya kanina na baka hanapin siya ng isa pa niyang anak. Maybe, kamukha lang niya ang asawa ko.

" I saw her too." 

"Huh talaga? So ano? " Interested nitong tanong.

Umiling lang ako. "She said she's Erica but she is not Hermés-Hill…" 

"She's an Alcantara right?" 

Tumango ako sa tinuran ni Sunday.

"At hindi niya ako kilala." 

Narinig kong tumawa si Sunday.

"Paano ka makikilala kung sakali ngang asawa mo iyon kahit nga ako hindi kita nakilala agad no'ng umuwi ako ng pinas dahil diyan sa itsura mo pre. Balbas sarado ka." Natatawang saad nito. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now