CHAPTER 34: #paglimot(erica)

58 4 2
                                    

Erica's POV

"Mommy! Habulin mo kami!" Sigaw ng tatlong bata.

Dios ko! Itong mga batang ito talaga napaka hyper. Takbo ng takbo gusto laro ng laro. Pero Kahit gano'n masaya naman ako kasi at least nakikita kong malulusog sila. 

Nginitian ko ang mga anak ko saka ko sila hinabul. Hindi naman talaga ako makikipaglaru, hahabulin ko sila kasi kakain na. Magagalit na si Nanay Celia, siya kasi ang mag papakain sa mga bata. 

"Huli kayo," sabi ko sabay tawa ng mayakap ang dalawang anak ko. Tawang tawa naman ang dalawang bata.

Pero may isang tumatakbo pa rin, pero ng nakita niyang nahuli ko ang dalawa ay tumigil na ito sa pagtakbo at hingal na hingal na lumapit sa akin. 

"Jayvee, anak, 'wag kang masyadong magtatakbo huh? Alam mo namang bawal kang mapagod," sabi ko sa kanya ng makalapit ito sa akin.

May sakit kasi siya sa puso, kaya madali lang siyang mapagod. 

"Sorry po mommy, I just want to play,"sabi nito saka nakiyakap na rin sa amin. 

"Okay, pero next time 'wag masyadong tatakbo huh?" Sabi ko sa kanya. 

Bumaling naman ako sa dalawang kambal na nakatayo ng tuwid sa harapan ko pero nagtatawanan dahil panay panay kalabit sa isa't isa. Kambal ito na lalaki at babae.

"Kayo naman dalawa," naka squat posisyon ako para mapantayan lalo ang mga ito. 5 years old pa lang kasi ang mga ito. 

"Po? "Sabay na sagot nito, na nakangiti, may mga dimple ang mga ito sa isang pisngi, ang lalaki maraming nagsasabi na mana sa akin. Ang babaeng anak ko naman ay baka raw sa ama mana dahil walang nakuha sa akin.

"Ingatan niyo ang kapatid niyong si Jayvee," sabi ko sabay pahid sa mga pawis nila.

 Sabay-sabay naman na tumango ang dalawa.

"Ang kukulit n'yo, tayo na kakain na tayo."

Hindi ko akalain na 5 taon na pala ang nakalipas simula no'ng araw ng accidente. Limang taon na rin ako dito sa Islang ito. Limang taon, pero hindi ko pa rin maalala hanggang ngayon kung sino talaga ako.

   *flashback*


THIRD PERSON POV***

"Edward!" Tawag ng isang babae sa kanyang nakakabatang kapatid. Habang hindi maalis ang namimilog na mata na nakatingin sa isang nakaputing babae na nakatihaya sa dalampasigan, habang hinahampas ng maliit na alon ang katawan nito. May sugat rin ito sa gilid ng noo.

"Bakit,Ate?!" Sigaw naman ng binatilyo mula sa malayo.

"Bilisan mong pumunta dito may tao dito?" Sagot naman nito.

   Agad na tumakbo ang lalaki papunta sa kinaroroonan ng kapatid. Kagaya ng naging reaction nito ay namimilog rin ang mga mata at napatutup sa bibig nito ng makita ang nasa harapan ng kapatid.

  "O-M-G!!!" Tili nito. Hindi na maitago ang kabaklaan.

"'Wag ka ngang tumili diyang bakla ka, nakakarindi," sabi nito sabay sapak sa braso.

"Buhay kaya yan?" tanong nito sa mahinahong boses. 

The lady on her 20's shrugged her shoulders.  

"Gaga, tingnan mo, nurse ka kaya alam mo yan," anang Edward. 

    Ang ganda ng pangalan bakla naman. 

"Buntis siya Ed," anang babae ng malapitan ito at mapansin ang maliit na umbok ng tiyan nito pero nahahalata pa rin. 

  "Oo nga, pareho kayo buntis, naku kawawa naman. Go Check her dali!" Maarteng saad ni Edward. 

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellOnde histórias criam vida. Descubra agora