KABANATA 25: home

78 2 1
                                    

Erica's POV 

"Men, alam niyo na ang gagawin," anang Harold matapos makuha ang attache case na kaninay bit bit ni Axel.

Napapaligiran kami ng mga armadong kalalakihan na tauhan ni Harold, nakatutuk ang mga armalite nila sa amin. 

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Axel. Kaya napa siksik na lang rin ako sa malapad na dibdib nito at mahigpit ko rin siyang yakap. 

"I love you Erica. Mahal na mahal." Narinig kong bulong ng asawa ko. 

Napaiyak ako sa narinig ko, hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon. Pero kung mamatay man ako ngayong araw na'to, masaya akong mamamatay, dahil sa narinig ko. 

Sunod sunod na putok ang narinig ko, napapikit ako, at pigil ang hininga ko. Katapusan na namin. 

"Tumakas na kayo sir Axel!" Sigaw ni David. 

Gulat kami pareho ni Axel ng maghiwalay dahil buhay pa kami at walang tama ng bala. 

Nakita ko pa ang ilang mga tauhan ni Harold na nakahandusay sa lupa. At may ilang mga naka unipormeng mga sundalo nakikipagbarilan sa mga armadong tauhan ni Harold.

"Let's go Erica." Hinila na ako ni Axel patakbo papalayo sa lugar na iyon. 

Habang nakasunod sa amin si David at panay ang paputok ng armalite nito, to cover us.
Mukhang nagbago na talaga ang isip ni David at nag hari ang mabuting puso nito. 

Napahinto ako sa pagtakbo ng kumirot ang puson ako.

"Ah—" Daing ko ng mas lalo pang sumakit ang puson ko hanggang sa balakang ko. Napahawak na ako sa maliit na umbok ng puson ko. Masakit na ang balakang ko na animo matatanggal.

  Ang anak ko! 
"Bakit? A-nong nangyayari sa'yo, mahal? Tinamaan ka ba?" Nakita ko ang sinserong pag aalala sa mga mata ni Axel ng tingnan konsiya habang sinasabi ang mgakatagang iyon.
Napakapit ako sa braso ni Axel, ng tuluyan ko ng maramdaman ang sobrang sakit. 

"Arayyy!" Sigaw ko ng sobrang sakit na talaga. 

Nabitiwan ko ang hawak hawak kong kumot na nakabalot sa katawan.

Napakapa ako sa isang hita ko ng parang may bumababang kung ano roon.

"Ouh no,God, please!" 
Nanginginig ako sa dugong nakikita ko sa mga kamay ko.

Si Axel naman ay nagpanic dahil sa nakitang dugo na bumababa galing sa itaas ng hita ko.

"Ouh,honey what happen huh?" Hindi mapakali nitong tanong. 

Panay ang halik nito sa noo ko. 

"Axel, ang baby," humikbi na ako. Paano kung mawala ang anak ko? Ang anak namin ni Axel hindi ko kaya. No! Minahal ko na 'to eh. Excited akong makita siya, ayaw kong mawala siya.

"Gago ka Axel!" Narinig kong sigaw ni Harold. Napalingon ako sa gilid ni Axel. 

Nakatutok ang baril ni Harold kay Axel. And the next thing I remember, ay kinalabit ni Harold ang gatilyo ng baril na nakatutok sa asawa ko. Tanging putok na lang ng baril ang narinig ko. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari ng tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at nawala na sa karimlan.

******
AXEL POV. 

Hindi ako mapakali habang panay ang paroo't parito ko. Nandito ako sa waiting area sa labas ng Emergency room kung saan dinala ang asawa ko. Sa kabila naman ay si David na sinalo ang balang para sana sa akin, na galing kay Harold. Na noo'y nakatakas naman. Masyadong napuruhan si David dahil tumama ang bala sa puso niya hanggang ngayon hindi ko pa alam ang kalagayan nito.

SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hellWhere stories live. Discover now