𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1: 𝑯𝒆𝒓 𝒍𝒊𝒇𝒆

14 2 7
                                    

𝑍𝑦𝑟𝑎 𝑉𝑎𝑧𝑞𝑢𝑒𝑧 𝑃𝑂𝑉

"What's your order Ma'am?" Tanong ko sa sumunod na customer ng maka-alis na ang nauna sa kanya.


"Excuse me, lalaki ho ako!" Pagmamaktol ng customer, dahil sa sobrang pagod hindi ko na alam kong lalaki o babae ang customer ko, hindi naman kasi ako nakatingin sa kanila kung hindi sa kabilang side ng counter dahil dala-dalawa ang naka assign  na trabaho sa akin ngayon sa Coffe shop na ito taga-tinda at taga-serve hindi kasi available ang waitress namin ngayon kaya pinatos ko na sayang ang kita.


"Ayy! Sor...." Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang pagmumukha niya na nakangisi sa akin, inirapan ko na lang siya at sinamaan ng tingin.


Pero lumapad lang ang ngiti nito at kininditan ako kaya napa-irap ako.


"2 cups of iced americano, miss ganda" sagot ni Zion habang nakangisi, magaling mangbwisit talaga ang hinayupak na to eh!


"Just wait for it Sir." walang emosyong sagot ko sa kanya kaya mas lumapad ang ngiti niya, humanda ka sa akin mamaya!


"Next.. What your's Ma'am?" Tanong ko sa huling customer binigay niya naman kaagad ang order niya kaya mabilis kong na e serve ang mga order's ng customer, pinag-sabay kuna tutal medyo maliit lang naman ang customer ngayong araw.


"Ito na order mo." saad ko pagkalapag ko ng order niya.


"Walang sulat? Ano ba yan, di na'ko babalik ulit dito." Napa-taas naman ang kilay ko ng suriin niya ang cup ng coffee na inorder niya at nagreklamo. Anong akala niya sakin admirer niya na gagawin yon kagaya ng ginagawa ng may gusto sa kanya? Palibhasa gwapo tong mokong na'to kaya nasanay na may ganong ganap sa buhay niya.


"Papahirapan ko pa sarili ko kapag ginawa ko yon, tsaka mabuti ngang wag ka ng bumalik rito." sagot ko nalang wala akong mood mag-daldal, eh hindi naman talaga ako madaldal.


Napa-irap ako ng mag-inarti siyang nasasaktan dahil sa sinabi ko, wala akong mapapala sa mokong na'to kaya bumalik na lang ako sa trabaho at pinag-patuloy ang ginagawa dahil may bagong customer na dumating.


Alas otso na ng gabi ng matapos ang trabaho ko, nagulat pa ako ng makitang nasa labas si Zion naghihintay. Ngunit nginitian niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Inabot niya sakin ang isang cup ng iced americano na inorder niya kanina kaya pala dalawa inorder ni mukong akala ko uubusin niya yon eh.


"Tara sa Paborito mo Bab." Sabi niya tsaka inakbayan ako para makapag-simula ng maglakad. Napatingin ako sa kanya ng marinig ang salitang 'Bab' ano yon short for 'Baboy'?


"Bab?" Tanong ko. Habang umiinon ng kapeng binigay niya sakin ngayon ko lang na realized na masarap din pala ang kape sa Coffe Shop na pinagtatrabauhan ko.


"Bab!" Naka-kunot ang noo niya ng sabihin niya ang salitang yon. "Call sign natin." Dagdag pa niya.


"Ayoko non tunog baboy." Sagot ko sa kanya, at umiling.


"Ayaw mo? Bagay naman sayo auh, tutal matakaw ka naman!" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.


"Aba! Hinayupak ka talaga!" Bago ko pa siya masapak ay tumakbo na papalayo ang mokong binilatan pa ako! Kaya hinabol ko siya.


"Ano ba yan ang bigat mo!" Reklamo niya dahil naka-aba ako sa kanya.


"Kasalanan mo yan!" Pahabulin ba naman ako ng pa balik-balik hindi ako mapapagod? Tsaka siya naman nag suggest na abahin ako kaya panindigan niya!


Heiress Of The Vergara ClanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ