𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 25: 𝑻𝒓𝒖𝒕𝒉

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"How are you Ija?" Nakatingin lang ako sa babaeng kasing edad lang ni Mama, kanina pa siya nasa loob ng kwarto ko at inaasikaso ako. Hindi ko naman siya kinakausap dahil di ko siya kilala at kanina ko pa siya tinitingnan, kahawig niya si Mama.



"You know what you really look like your mother." Ngumiti siya sa akin, tumahimik naman ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.



"Your mother, Amira Leona. She's my sister." Kunot noo ko siyang tiningnan, anong sinasabi niya? "I know you don't, right?" Tiningnan ko lang siya ng tanungin niya ako, hindi ko alam ang sasabihin parang na pepe ako.



"She's sweet, kind, but dangerous." Tumawa siya, "hindi ko nga lubos maisip na, mangyayari yon sa kanya."



Nagbalik sa akin ang lahat ng nangyari sa hospital, si Mama. Mariin kung ikinuyom ang kamao ko, at napatingin ako sa kanya ng hawakan niya yon.



"She risk her life for you," at doon na tumulo ang mga luha ko.



Parang namanhid na ako sa nararamdaman ko matapos ang nangyari sa hospital, ng makita ko kanina si Zake at tinanong tungkol kay Mama alam ko na kung ano ang isasagot niya pero sinubukan ko pa ring magtanong, alam kung imposibleng mabuhay pa siya dahil sa sitwasyon nita. At ang mas masaklap pa, hinayaan ko lang mangyari yon! Hinayaan ko lang siyang patayin ng lalaking pinagkatiwalaan ko, ano pa bang aasahan ko sa kanya ang ama niya ang naging dahilan kung bakit namatay ang ina niya kaya bakit pa ako umasa na tutulungan niya rin ako para mabuhay si Mama?!



"The time she' still alive, I was there Ija." Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. "But I choose to let her suffer."



"Anong pinagsasabi niyo?" Malamig na tanong ko sa kanya, ang salitang yon lang ang lumabas sa bibig ko kahit na maraki akong tanong na gustong itanong sa kanya.



"Noong panahong balak ka sanang kunin ng Arceo Mafia, nandon ako pero wala akong ginawa." Hinawakan ko siya sa balikat at ipinaharap sa akin ng sabihin niya iyon, tumingin naman siya sa mata ko. "I saw everything, kung paano binaril ni Zoren ang Mama mo at si Katharyn, kung paano ka tumukas kasama si Zeilan."




"BAKIT WALA KANG GINAWA!?" Mariing sigaw ko sa kanya at napangiwi siya ng mariin ko siyang hinawakan sa balikat.



"I'm sorry." Pabulong na saad niya rason para bitawan siya. "Ayokong ipahamak ka Zyra..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng malakas ko siyang sinampal.



"ZYRA!" Malakas na sigaw ni Zake at pinuntahan ang tita niya, "why did you do that?"



"Umalis ka sa harapan ko," malamig na saad ko.



"I'm sorry Zyra." Huling sabi niya bago tumakbo na umiiyak paalis ng kwarto ko.


"Bakit mo sinampal si Tita Zuri? She is our mother, sister." Mahinahon pero mariing sabi ni Zake, rason para mapangisi ako.



"Anong alam mo?" Tiningnan ko siya sa mata, "PUTANGINA SABIHIN NIYO SAKIN!"



"Parang gusto kung patayin ang sarili ko, bakit para sakin na naman? Bakit kailangan akong iligtas palagi? Bakit kailangang manatili akong buhay? Bakit kailangan akong protektahan? BAKIT?!" Sunod-sunod na tanong ko, hindi ko na mapigilan ang luha kung kanina ko pa pinipigilan.



"Heiress," hinawakan ni Zake ang nanginginig kung kamay. "Because your a Heiress, Zyra."



Napangiti ako ng sarkastiko, "Heiress ako? Kaya ba maraming gustong pumatay sakin? Kaya ba kailangan akong iligtas? Mabuhay? Kailangang may matay para sa akin? YON BA YON?!"



Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now