𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3: 𝑲𝒊𝒔𝒔

2 2 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Saan mo 'ko dadalhin Levi? Tsaka anong pinagsasabi mong wala akong trabaho ngayon, huh? Anong ginawa mo sa may-ari ng Coffee Shop? Humanda ka sakin pag...."


"Hoy grabe ka sakin! Makapag-bintang eh wagas? Binayaran ko lang naman yong may-ari ng Coffee Shop para sumama ka sa amin. Pa 'no ba naman kasi nag-aalala si Zion sa 'yo! Ayieee crush ka no'n promise!" Tadtad na sagot din niya sa akin, tiningnan ko siya ng masama sa front mirror kaya nag peace sign siya sa akin. Ano bang trip nila?


Mayaman si Levi, lahat ng ka band mate ni Zion. Si Kierfron anak ng Samonte may ari ng sikat na Entertainment dito sa Manila tsaka ng Samonte High school namin, habang si Zake naman ay anak ng Merquendez  na nag mamay-ari ng Law Firm, si Levi masyadong tago ang pagkatao niya at di ko alam, chika lang ni Zion sakin yan kaya alam ko. Si Zion di siya mayaman feeling mayaman lang, eh paano palagi niyang kasama ang mayayamang ka band mate niya kaya nag panggap na din na mayaman siya tutal di naman halata na anak mahirap siya.


Tumigil ang sasakyan ni Levi sa isang Mall, nauna na kong lumabas sa kanya ng makita ko sina Zion na hinihintay kami agad naman siyang nagtago sa likod ni Zake ng makita akong papunta sa direksyon nila.


"Anong trip niyo huh?" Tanong ko sa kanilang tatlo si Levi wala pa kasi nananatili sa sasakyan niya alam niya sigurong magagalit ako! Inilayo naman ni Zake ang sarili niya kay Zion.


"Auh ano daw Zyra! Sama ka sa min sa party ni Savannah." Sabi ni Kiefron.


"He was worriying about you that's why, he ask help from us. Ano ba! Talk to her Zion!" Siko naman ni
Zake kay Zion, nagulat pa ko ng magtagalog si Zake nagtatagalog pala to? Panay, english eh!


"Zyra ano kasi, hmmm.. Alam ko gabi kana uuwi sorry! Sorry talaga Zyra huh!" Umiling ako dahil hindi ko maintindihan si Zion wala pa nga siyang sinasabi nanghihingi na ng tawad.


"Ayusin mo Zion."


"Nag-aalala kasi ako sayo na baka wala kang kasama umuwi mamaya pagkatapos ng trabaho mo doon sa Coffee Shop eh, gabi pa naman yong labas mo doon kaya nanghingi ako ng tulong kina Levi kung paano kita masasama sa party ni Savannah alam kong magagalit ka sakin pag ginawa ko yon pero mas inisip ko yong kaligtasan mo, ayokong may mangyaring masama sayo." Mabilis na pagpapaliwag ni Zion naintindihan ko naman lahat, ngingiti na sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. Tumingin na lang ako sa kanya at tumango.


"Sasama ako pero hindi ako papasok ng party, hihintayin ko na lang kayo sa loob ng sasakyan. Hindi ako invited doon at wala rin akong balak na pumasok." Agad na sabi ko ng makitang magsasalita sana si Kiefron kaya tumango-tango nalang siya.


Agad na silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan maliban sa amin ni Zion na sumakay sa kotse ni Levi, at doon ko nalaman na sa harap ng Mall kami bumaba ni Levi kanina dahil balak nga talaga nila akong isama sa party! Bibilhan daw sana nila ako ng susuotin! Dumaan muna kami sa condo nilang tatlo para mag bihis sumama na din si Zion para magbihis rin sa dalas niya doon e parang bahay niya na rin .I-isa lang ang condo nina Levi, Kiefron at Zake iwan ko kung bakit pero sabi ni Zion pinaghati-hatian daw nilang bilhin yon noong maging bandmate sila madalas naman pumunta si Zion sa condo nilang tatlo kong may practice sila at kapag mag gro-group study sila. Umuuwi lang ang tatlo sa mga bahay nila kapag gusto nila, di ko alam kung bahay o mansion wala akong paki! Agad din kaming naka alis roon ang bilis lang nilang magbihis.
Van ang sinakyan namin papunta sa party ni Savannah, suggest ni Levi para daw kapag bumaba silang apat agaw pansin. Naka suit silang apat formal siguro yong party na yon kaya ganon ang sout nila, matapos ang ilang minuto natahimik na rin yong buhay ko! Dahil mabilis kaming nakarating malapit lang kaya sobra ang pasasalamat ko! Eh paano ba naman kasi, napaka ingay ni Levi at Kiefron sa loob ng Van dinagdagan pa ni Zion!


Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now