𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 28: 𝑨 𝒑𝒍𝒂𝒏?

3 1 0
                                    

𝐙𝐲𝐫𝐚 𝐏𝐎𝐕

"Ganito po ba?" Tanong ko kay Tita Zuri, paano ba naman kasi prinaktis akong magsuot ng heels! Tinawatawanan naman ako ni Levi dahil parang natatae daw ako habang naglalakad.


"You better step like this, Ija." Tiningnan ko si Tita Zuri ng maglakad suot ang ilang inch ba na heels yan? Napa awang pa ang labi ko ng umikot siya, gagayahin ko ba yon?


Napalunok ako ng maglakad rin ako kagaya ng sa kanya, ba't ba kasi kailangan pang pag-aralan to? Kainis, de ako sanay sa ganito.


"HAHAHAHA, para kang timang ZYRA!" Hinampas ko si Zion ng heels ng kantyawan niya ako, bwesit bakit ba sila nandito? Wala ba silang klase?


"You two shut up!" Agad nagtago si Levi sa likod ni Tita Zuri, habang si Zion naman ay napadapa sa sahig ng sigawan sila ni Zake, buti nga sa kanila.


"Ayy ang galing ni Zyra, nainlab nga ako pare eh!"


"Solid lakad niya parang pang Miss Universe, galing!" Agad na bawi nila sa mga sinabi nila sakin kanina, napalunok naman silang dalawa ng samaan ko ng tingin.


"Bakit ba kayo nandito, wala ba kayong klase?" Nakataas kilay na tanong ni Tita Zuri sa kanila dahilan para mapayakap ang dalawang ugok sa isa't isa.


"No, Samonte High suspend there classes for two days. Inutusan ko si Kiefron." Simpleng sabi ni Zake, ano daw?


"Bakit naman, kuya?" Grabe pati school ba nila Kiefron hawak ng Vergara?


"Ayoko munang maging busy, besides I have to be with you until you go in Korea." Nakangiting sabi niya sakin.


Na touch ako sa sinabi niya auh, charot! Nagpa suspend ng class para sakin, ano ba yan buti nalang kuya kita!


"Zyra sumama ka sakin, pupunta tayo sa company. Our employees wants to meet you." Napatango naman ako sa sinabi ni Tita Zuri.


"Mommy sama ako, para naman may makita silang pogi." Nakangusong sabi ni Levi.


"Tamang tama tamad ako magdrive, ok sumama ka." Napahagalpak sa tawa si Zion ng marinig yon mula kay Tita Zuri, napangisi naman ako.


Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat ako ng kwarto para makapag-ayos, nahilo pa ako sa kakahanap ng susuotin ko, paano ba naman kasi yong cabinet ng mga damit ko kahit 12 ka tao kasya, ano ba tawag nila dito walk in closet?


May nagpresenta pang mga katulong na tutulungan nila ako paliguan ako, umayaw naman ako kasi ayoko! Makita pa nila katawan ko eh! Pagkatapos ko maligo nag ayus na agad ako at nag suot lang ng, Sweetheart neckline tops, para siyang blouse na crop top, kulay black and white ito na stripe tapos may design na tali-tali sa bandang tyan pinarisan ko lang yon high waist na black para di kita ang tyan ko. Nilugay ko lang ang medyo curl ko na buhok at nag suot ng kwintas na may design na maliit na star, tas pointed heels.


"Gorgeous, Ija." Pagpuri sa akin ni Tita Zuri ng makababa ako sa hagdan, ngumiti naman ako.


"Tara na ho at ready na ang inyong poging driver." Inirapan ko lang si Levi na kinainis niya naman.


Summabay naman sa amin si Zion, pupunta daw siya sa Entertainment nila Keifron, mag-aartista na bestfriend ko!


"Naku, pag ako talaga sumikat makikita niyo!" Sabat niya kay Levi ng laitin siya nito, ang pangit daw kasi ni Zion para mag artista.


"Akala ko ba gusto mo maging singer?" Tanong ko sa kanya.


"Dala rin naman yon sa kontrata." Napangisi siya ng magulat ako, may contrata na pala si tukmol don!


Heiress Of The Vergara ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon