𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 26: 𝑯𝒆𝒊𝒓𝒆𝒔𝒔

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Sorry po sa ginawa ko sa inyo tita."



"It's fine, Ija."



Pinatawad agad ako ni Tita Zuri ng sampalin ko siya kanina, nadala lang kasi ng emosyon ko kanina kaya ko yon nagawa.



Alam ko na lahat, kaya di kami nilagtas ni Tita Zuri ng panahong yon at hinayaan lang kami dahil yon ang bilin ni Mama. Gusto niyang magpakalayo ako para hindi ako mahanap ng Arceo Mafia pero ganon pa din ang nangyari.



"Zyra." Agad akong niyakap ni Zake, kaya pala ang gaan ng loob niya sakin dahil alam niyang kapatid niya ako, ako lang ang nag-isip ng kung ano-ano. Kadiri!



"Hoy bakit di mo sinabi na kapatid mo ako? Walang hiya ka, nakakadiri kaya yong sinabi kung may gusto ka sakin!" Sambat ko sa kanya ng kumalas siya sa pagyakap sa akin.



"Sorry." Nagkamot siya sa ulo niya, nahihiya. Ayy di ko talaga itatangging kapatid ko to, pogi eh!



"ZYRA!!!" Hindi ako nakahinga ng bigla akong yakapin ng mga tatlong ugok, shet para akong papel sa lakas nilang tatlo!



"Hey stop it, yong tama ng bala sa kapatid ko!" Agad akong inilayo ni Zake sa kanila at itinago sa likod, yumuko-yuko naman ang tatlo para manghingi ng tawad.



"Grabe protective si kuya, parang di ako kaibigan." Reklamo ni Zion at ngumuso. Teka, alam niya?
"Beshieee.... Aray!!" Sigaw ni Zion ng yakapin ko siya sabay sakal sa leeg.



"Hayop ka bakit kapa nabuhay? At alam mo ba lahat?!" Dinuro-duro ko siya ng ring finger ko.



"Hala ayaw mo ko mabuhay? Sabi ko na eh buti nalang nabuhay ako HAHAHAHA!" Anong nakakatawa?



"Umayos ka Zion."



"Hindi ko alam lahat, yong magkapatid lang kayo ni Zake. Kaya pala panay protekta siya sayo, nalaman ko lang noong kinidnap ako ng mga Maharlika, dugong pula naman mga bobo!" Mahabang paliwanag niya.



"My pretty cousin, salamat buhay ka! Bakit ka pa nabuhay, uyy joke lang!" Saad niya ng hahampasin sana siya ni Zake, tumawa naman ako. Nakakatawa na ako?



Nalaman ko rin na anak siya ni Tita Zuri, di nga halata eh! Pero yon yong totoo, pero di ko maisip na kapamilya ko to eh mukhang ugok, wala sa lahi namin yon!



"Mabuti ok kana, Zyra ehe." Tuwang-tuwang sabi ni Kiefron at pumalakpak pa.



"Are you ready, Ija?" Napatingin kami kay Lola napayuko naman sina Kiefron at Zion para bumati sa kanya, ngumiti naman ito.



"Opo lola." Ngumiti sa akin si Lola at nauna ng maglakad sa akin.



Haharap ako sa Council ng Vergara Clan, magaling na ako after 2 days at tanggap ko na rin lahat, para sa Mama ko. Hindi ko pa rin siya nakikita dahil baka hindi ko kayanin pero pinako ko sa sarili ko na bago ako dalhin ni Lola sa Korea, bibisitahin ko si Mama.



"Dito po sasakay?" Napa-awang ang labi ko ng huminto ang kulay black na limousine sa harapan namin.



"Masanay kana." Nakangiting saad ni Zake sa akin at pinagbuksan ako ng pinto, nauna ng sumakay si Tita Zuri at si Lola dahil inalayan siya ni Tita, sarap naman ng buhay ko!



"Hmm Zake sino matanda sating dalawa?" Na cucurious kasi ako, ayoko ngang tawaging ate. Tanong ko ng umandar na ang limousine.


"Me, that's why call me kuya." Ayos! Gwapo talaga ng kapatid ko. "Why are you looking at me? Baka matunawa ako,Zyra."



Heiress Of The Vergara ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon