𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 21: 𝒁𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒔 𝑲𝒊𝒅𝒏𝒂𝒑𝒑𝒆𝒅

1 1 0
                                    

𝒁𝒊𝒐𝒏 𝑷𝑶𝑽

"Bro hintay!" Sigaw ko kina Levi at Kiefron iniwan ba naman akong maglakad sa hall way mga ugok!

"Hi Zion, pwede ba kitang makausap?" Napatingin ako sa school mate ko na babae may hawak siyang rosas at inilahad niya iyon sa harapan ko habang naka yuko, ito talaga kinakatakutan ko eh.

"Amm miss sorry pero.."

"Mabilis lang naman eh promise!" Di na ako nakapalag ng hilahin niya ako papuntang rooftop, teka ba't ang lakas niya? Agad niyang isinarado ang pinto sa rooftop ng makarating kami roon at marahas akong tinulak kaya napa-upo ako sa sahig.

"Anong pag-uusapan natin?" Naka taas kilay niya akong tiningnan kasabay non ang pagdating ng mga naka kulay itim na mga tao, wow huh pati ba sila may sasabihin sa akin? Ang dami naman ata nila.

"Marami tayong pag-uusapan," sagot niya sabay bunot ng baril sa gilid ng hita niya at itinutok sa akin "at simulan na natin."

Sinubukan kung pumalag ng buhatin ako ng dalawang naka itim na lalaki patayo at inupo sa silya tsaka tinalian nila ang kamay at paa ko, grabe naman to gusto lang ako maka usap may talian pang nagaganap!

"Sino ang legend niyo?" Ano daw? Legend? Ano yan ML? Yong legendary!

"Aray!" Napadaing ako sa sakit ng bigla niya akong hampasin ng baril sa tyan, teka torture na ata to auh? "Anong pinagsasabi mo? Anong legend? Kung sa ML yan di ako, Aray pucha nakakasakit kana auh!"

"Wag kanang mag maang maangan," hinawakan niya ang buhok ko at hinila pataas "malapit ka sa kanya diba?" tsaka sinuntok ako sa mukha, pucha papatol na talaga ako sa babae di joke!

"Sino yong hero sa ML? Aray, ba't kaba nanununtok?!" Dumugo ang ilong ko ng suntukin niya ulit ako sa ilong, taena sakit non!

"Sa tingin mo ba nakikipag biruan ako sayo?!"

"Aba malay ko! Aray!" Pucha naman oh bakit yong mukha ko ang pinuponterya niya?!

"Itayo niya siya daldalhin natin siya sa Maharlika ng buhay! Tingnan natin kung di magpapakita ang Heiress nila!" Agad akong itinayo ng mga naka kulay itim matapos hubarin ang tali ko sa kamay at paa, iwan parang papel nalang ako ang bigat na ng pakiramdam ko paanong hindi eh panay sipa at suntok niya sa akin! Nan didilim narin ang paningin ko bahala na, pero may mga panagarap pa ako sa buhay! Di ko pa nga nakikita yong panganay ko eh!

Marahas nila akong ipinasok sa kulay itim na kotse sa likod kami ng Samonte High dumaan syempre para walang may makakita samin, di ko alam kung saan kami pupunta at tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata ng hampasin nila ako ng baril sa ulo, self ipagdadasal kita!

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"What?!" Naka taas kilay niyang tanong sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Hindi ba?" Taas noo kung tanong sa kanya, baka yon yong tinutukoy ni Zeilan kaya lalayo muna siya kasi nga ex bestfriend niya daw tong si Zake di ko alam kung anong istorya nila.

"Are you serious?"

"Ano sa tingin mo?"

"Pare!" Napangiwi si Zeilan ng yakapin siya ni Levi sa likod "Oh hi Zyra!" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Hoy Levi hayop ka ba't mo kinuha yong pagkain ko?" Reklamo ni Kiefron habang bitbit ang sari-saring pagkain. "Hi Zyra gusto mo?"

Umiling muna ako bago sila tinalikuran, bahala nga si Zake hayst bakit ba namomoblema ako sa sinabi ni Zeilan, natigilan ako sa paglalakad ng mapansing kulang sila.

"Si Zion?" Himala atang di nila kasama yong mokong na yon, tumaas ang kilay ko ng nagkatinginan sina Levi at Kiefron bago sila sabay na tumingin sa akin, "Ano?"

"Iwan ko!"

"Di ko alam!"

Mga ugok paanong di nila alam kung nasaan yon eh di naman humihiwalay si Zion sa kanila tsaka imposibleng umabsent yon sa klase kilala ko yon, mabuting tao yon. Masipa ko nga si Zion!

"Pumasok ba siya?" Tanong ko.

"Yes, kasabay namin siyang pumasok. Shit!" Saad ni Zake ng kuhanin niya ang phone sa bulsa nag vibrate kasi iyon. "Levi!"

"Po?" Parang tutang sagot ni Levi.

"Stay her bantayan mo si Zyra, Kiefron samahan mo ako." Agad naman siyang tumakbo papuntang parking lot kasama si Kiefron, nakakunot noo ko namang tiningnan si Levi.

"Ay wala ako dyan, labas ako dyan!" Natatakot niyang saad sa akin.

"Saan sila pupunta? At nasaan si Zion?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Lokong ngumiti si Levi sa akin at inakbayan ako, "Hindi ko po alam Heiress."

"Anong sabi mo?!"

"Wala po hatid ko na kayo sa classroom niyo, sila na ang bahala kay Zion kaya na nila yon!" Nakangiting sabi niya sa akin at hinila

Heiress?

𝑺𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆'𝒔 𝑷𝑶𝑽

"We must save him, his innocent wala siyang alam sa nangyayari!" Sigaw ko sa buong council.

"Sa Heiress lang kami susunod." Tangina gusto ba nilang mamatay?

"They will use my friend para lumabas ang kapatid ko kaya hangga't wala pang alam ang kapatid ko sa nangyayari dapat kumilos na tayo!" Naiinis na ako, makakapatay ako kapag nagpakatigas pa sila.

"I will kill everyone of you kapag hindi niyo iniligtas ang kaibigan ng apo ko!" Napatingin kaming lahat sa Widow napayuko naman ang lahat ng council sa kanya, nginitian lamang niya ako.

"Young Heiress," my grandmother look at me "what's the plan? Start it!" bakit wala bang karapatan ang mga lalaking Vergara sa trono? Kainis under kami ng mga babae!

"We will start the plan by targeting the Arceo Heiress, and I know who is it."

-------------------------------------------シ︎

Heiress Of The Vergara ClanKde žijí příběhy. Začni objevovat