𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4: 𝑪𝒉𝒂𝒔𝒆 𝑯𝒆𝒓

2 2 0
                                    

𝒁𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒐𝒗

Matapos ang insidenti sa bandmates ko at ayon nga sa napagkasunduan nilibre ko sila ng lunch pagkatapos ng klase namin, kahit ayaw ko! Mayaman naman ang mga mokong na to! Pero wala akong choice, kainis!


Doon pa nila gustong kumain sa Restaurant na pinagtatrabauhan ni Zyra, gusto kasi nilang makita. Malamang sa malamang andon siya at talagang andon siya! Kaya di ko alam ang gagawin ko nang lumapit siya samin, para kunin ang order namin at e serve, yumuko nalang tuloy ako galit pa siguro siya sa akin. Sinamaan ko naman ng tingin si Kiefron ng tinawanan niya ako, hayop na to! Nabulunan tuloy.


Pero nagulat ako ng pumunta si Savannah sa table na 'min, ininvite niya lang naman si Zake na pumunta sa party niya mamaya. Wala naman akong pakialam kung anong relasyon ng dalawang to, dahil pareho silang mayaman. Pero nagulat ako ng ayain niya din kami nina Kiefron at Levi at wala na kaming nagawa ng pumayag si Zake, nakita ko pa kung paano tarayan ni Savannah si Zyra noong lumapit siya sa table namin pero di siya pinansin nito. Hanggang sa nagpaalam na kami sa kanya na lalabas na kasi may klase pa, napa-iling naman ako kina Kiefron at Levi na nag-aaway dahil sa Carbonara habang papalabas kami.


Pagkatapos ng klase napagdesisyonan naming dumiretso na sa condo ng tatlong mokong, syempre sasama ako! Doon na rin ako magbibihis, tutal kumpleto rin naman gamit ko sa bahay ng tatlong ugok pwede ngan'g doon na ako tumira eh! Sa dalas ba naming magsama napaghihinalaan na nga akong anak mayaman, gwapo ko kasi. Simula kase Grade-7, magkakaibigan na kaming apat nagsimula lang yong friendship namin dahil sa hilig namin sa music at di kalaunan naging mag bandmates kami. Hanggang ngayon na Grade-10 na kami, kaya masyadong close kami pati na si Zyra.


"Pre, si Zyra!" Napatigil ang kotse ni Zake dahil sa pagsigaw ko! naalala ko kasi si Zyra! Baka anong mangyari sa kanya kapag umuwi siya mamayang gabi.

"Gago Pre! Anong nangyari kay Zyra?! Tangina sabihin mo!" Nagulat ako ng kwelyuhan ako ni Kiefron, magkatabi kase kami sa backseat.


"Luh, uy Pre! Baka mapatay mo si Zion!" Sigaw ni Levi sa kanya tsaka bumaba ng front seat para pigilan si Kiefron sa pangkwekwelyo sa akin. Problema nila?


"Hayop ka bitawan mo 'ko!" Sigaw ko sa mukha ni Kiefron, kaya agad niya akong binitawan na untog pa 'ko, gagong to!


Nakita kung umiling si Zake sa driver seat tsaka, tiningnan ako. Kaya tiningnan ko rin siya, minsan napapa-isip ako kung bakla to eh! Kung makatingin kasi parang lulunurin ka, napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng tinaasan niya ako ng kilay.


"Damn." Tamad na sabi niya tsaka napasapo sa noo. "What happaned to her? Is she alright?"


"Bakit may nangyari ba sa kanya?" Tanong ko pabalik sa kanya, gago! Baka tinawagan siya ni Zyra tapos may nangyari sa kanya! Pero, nagmamaneho siya di 'ba? Tsaka di ko siya nakitang humawak ng phone. Baka si Levi?


Kaya tiningnan ko si Levi na nakabalik nasa front seat, humarap naman siya sa akin ng makita niya akong nakatingin sa kanya sa likod mula sa front mirror.


"Ano?" Inosenteng tanong niya. "Luh gago! Zake help!" Sigaw niya ng kwelyuhan ko siya.


"Anong nangyari kay Zyra?!" Tanong ko sa kanya, niyugyog-yugyog ko pa siya ng umilig-iling siya at inabot-abot si Zake na nasa tabi niya. Tumawa naman si Kiefron ng makita ang itsura ni Levi na parang iiyak.


"Tumigil nga kayo." Malamig na utos ni Zake sa amin kaya napabitaw agad ako kay Levi tsaka sumiksik sa tabi ni Kiefron, kakatakot yon auh!


"Zion, why did you shout Zyra's name? Is she's fine?" Naka-iling na tanong niya habang nasa sentido ang kaliwa niyang kamay, stress na stress ata siya? Natauhan naman ako ng maalala si Zyra.


Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now