𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 12: 𝑩𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑯𝒆𝒓

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

Mas ramdam ko ang alaga ng hospital ni Mama ngayon sa kanya, iba na ang doktor na nag-aasikaso sa kanya at pansin ko rin na chine-check siya ng nurse kada minuto. Itinanong ko rin sa kanila kung naka assign paba ang nurse ni Mama sa kanya dati pero ang sabi ng doktor niya ay pinalitan daw ni Zeilan lahat ng doktor tsaka nurses na nag-aasikaso sa Mama ko.



Kaya mas lalo akong nagduda kung sino ang babaeng nagpanggap na nurse ni Mama at ang babaeng bumisita sa kanya dati, wala naman siyang ginawang masama kay Mama kaya nakampante ako.



Kagaya ng dati ganon pa rin si Mama, maputla at medyo pumayat na rin siya. Isang taon na naman ang nadagdag ng pananatili niya rito, at hindi ko alam kung hanggang kailan pa siya tatagal sa sitwasyon niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nakalagay sa kanyang gilid at inilagay sa kwintas na ibinigay niya sa akin.



"Ito na ang gusto mo Ma, natupad ko na ang mahalagang pangyayari sa buhay mo." Pabulong na sabi ko dahil parang wala akong lakas na sabihin yon sa kanya.



Ayoko ng makitang nakahiga pa siya rito, gusto ko na siyang mayakap at makasama ulit pero hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako maghihintay at ilang taon pa ang hihintayin ko para makasama siya ulit.



Hindi ako nagtagal roon dahil mas bumibigat lang ang nararamdaman ko kapag matagal ko siyang tinitigan sa sitwasyon niya, napahinto ako sa paglalakad ng may makitang pamilyar na sasakyan na naka parada sa harap ng apartment ko.



At hindi nga ako nagkamali sa duda ko ng makitang bumaba ang may ari ng sasakyan na yon, at sumandal pa talaga siya sa kotse niya habang ang dalawa niyang kamay ay naka lagay sa dibdib niya. Buhay pa pala siya!



"Anong ginagawa mo rito?" Walang modo kung tanong sa kanya na ikinangisi niya naman. Pwede ko ba tong masapak? Nakaka-asar ang ngisi niya eh!



"Yeah, I miss you too," Sagot niya sa akin kaya napa-irap ako.



"Ano ba umalis ka nga dyan!" Inis kung sigaw sa kanya ng iharang niya ang sarili niya sa pinto ng apartment ko ng pumasok ako.



"I said I miss you too, where's my I miss you hmm?" At talagang makapal ang mukha ng lalaking to!



"Sasapakin kita o aalis ka dyan?" Sabat ko pero nagulat ako ng isandal niya ako sa pinto at hinarangan ng dalawa niyang kamay.



"I'll kiss you or you'll say I miss you?"



"I miss you!" Agad na sabi ko ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin, napatawa naman siya kaya inis ko siyang tinulak. Bwiset talaga tong lalaki na to eh!


"So easy huh." Tumatawang sabi niya sa akin na kina irap ko naman, pag di pa siya tumahimik mapapatay ko talaga siya.



Pumasok naman siya sa loob ng apartment ko ng pumasok ako, ano bang gagawin niya rito? Hinayaan ko lang siya sa sala ng umakyat ako sa kwarto ko pero nagulat ako ng pumasok din siya sa kwarto ko. Kaya nabato ko kanya ang sapatos ko na hinububad ko.



"Ouch!" Daing niya ng matamaan ko siya sa ulo, patay!



"Ano bang ginagawa mo rito? Pwede ba umalis ka rito Zeilan!" sabi ko sa kanya ng nilapitan ko siya at chineck ang ulo niya.



"You'll pay what you did on me." Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat gamit ang balikat niya.



"Ibaba mo ako Zeilan! Letchi ka!" Pagwawala ko habang pinapalo ang likod niya, hindi ko alam kung nabigatan siya sa akin pero ang bilis niya lang ginawa iyon papasok sa sasakyan niya.



Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now