𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5: 𝑴𝒆𝒅𝒊𝒂

2 2 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

Napa sabunot ako sa sarili dahil sa lalaking yon! Ang kapal ng mukha niya! Nakakainis! At papaanong hinayaan ko lang siya na halikan ako?!


Sinuntok-suntok ko naman yong hangin iniisip na siya yon, pero natigilan ako sa pinagkakagawa ko ng makitang huminto ang Van nina Levi sa harapan ko.


"Zyra!" Sigaw agad ni Levi ng makababa ng Van nag unahan pa sila ni Kiefron papunta sa akin at magbabalak na sanang yakapin ako, ng bigla silang daanan ni Zeilan sa gitna kaya natumba yong dalawa. Napa-sapo naman sa noo niya si Zeilan ng makita yon.


"Zyra anong nangyari sayo? Ayos ka lang? Anong ginawa sayo ng gagong yon? Sabihin mo!" Napa-irap naman ako sa kawalan dahil sa dami ng tanong ni Zion. Tinulak naman ni Kiefron si Zion paalis sa harap ko.


"Uyy Zyra? Bakit di ka makapag salita? Shuta! humanda sa akin yong... Aray!" Hinila naman ni Levi si Kiefron palayo sa akin gamit ang neck tie niya, napa-isip tuloy ako kung kamusta ang party ni Savannah siguro umalis na ang mga tao roon katulad nila ni Zake.


"Kailangan ko na bang ipakulong si...." Hindi pa nakakatapos sa pagsasalita si Levi ay tinalikuran ko na siya, nabwibwisit ako sa daldal nila baka ano pang magawa ko sa tatlo!


Sumunod naman sila sa akin ng pumasok ako sa apartment ko matapos kung buksan, dumadaldal pa yong tatlo at panay sila bigkas ng pangalan ko habang prenteng umupo si Zake sa sofa na nasa sala ng apartment ko, mabuti hindi siya naiinis sa kaingayan nina Levi kahit na magkasama sila araw-araw. Malaki namam yong apartment ko at malinis kahit walang tao rito araw-araw, naglilinis naman ako kapag may time at kapag walang trabaho kaya kampante akong magpapasok ng bisita. At wala naman akong pakialam kung may reklamo sila, tsaka sila lang namang apat ang pumapasok sa apartment ko. Kaya feel at home ang mga ugok kasi madalas din silang pumunta rito lalo na kung sinasamahan nila si Zion na sumundo sa akin kapag pumapasok ako sa school.

Hinayaan ko lang ang mga ugok sa sala at dumiretso ng kwarto ko bahala sila kung anong gawin nila roon! Takot naman sa akin ang mga yon kaya di sila magbabalak na galawin ni isang gamit roon, tsaka wala akong mabibigay na pagkain sa kanila sino bang nagsabi na pumasok sila rito? Kaya bahala sila roon! Mag-iingay lang naman ang tatlong ugok kaya tinamad na akong bumaba para puntahan sila ng matapos akong mag half bath pagod na rin ako kaya dumiretso nalang ako sa kama ko. Di ko na kailangan bumaba ng sala para maglinis ng katawan dalawa naman yong CR ng apartment ko, yong sa sala tsaka sa loob ng kwarto ko.


Nagtalukbo akong ng kumot dahil nakaramdam ako ng antok pagkahiga ng kama ko. Naramdaman ko na mang bumukas ang pinto ng kwarto ko pero di ko nalang pinansin iyon.

"Umuwi na sila ni Kiefron, di mo naman daw sila papansinin eh nag-aalala lang naman sila sayo. Tsaka, ako! Uyyy!"


"Taena Zion!" Sigaw ko sa kanya ng daganan niya ako ng katawan niya, ang bigat! Tumawa lang si ugok tsaka hinila yong kumot na nakatabon sa akin.


"Kumain ka muna bago matulog!" Sabi niya tsaka hinila yung kamay ko para mapa-upo, kung umalis na rin kaya siya!


"Aray!" Sigaw niya ng sipain ko siya mahina lang naman over acting lang siya, natumba siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.


"Bakit kapa nandito?" Tanong ko sa kanya na naka upo sa kama.


"Dito ako matutulog!" Tuwang-tuwang sabi niya tsaka ginulo pa ang buhok ko, di na siguro ako makakatulog ngayong gabi!


Dumiretso na yong ugok sa banyo ko para maglinis ng katawan, at talagang sa banyo ko pa! Tinatamad na daw siyang bumaba sa sala kaya sa banyo ko nalang siya mag ha-half bath, ng matapos agad siyang dumiretso sa cabinet ko para kumuha ng damit. Nakahiga lang ako sa kama ko habang pinapanood siya, gusto ko ng matulog pero di ko magawa dahil sa ugok na to eh! Madalas namang matulog si Zion rito kaya may gamit siya sa apartment ko lalo na kung magkakasakit ako siya yong nag-aalaga sa akin kaya wala akong reklamo kung dito siya matulog.


Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now