𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6: 𝑮𝒊𝒓𝒍𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅?

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Hindi ko siya hinalikan! Siya ang humalik sa akin!" Inis kong sigaw sa kanila, kanina pa kasi nila inuulit-ulit na dahil daw hinalikan ko yong gagong Zeilan na yon ay hinahabol ako ng media. Natigilan naman sa pagtatalo sina Kiefron at Levi.




"Zake anong gagawin natin?" Rinig kong tanong ni Zion sa kanya.




Hindi pa rin sila nakakaalis ng apartment ko dahil nag-aalala sila sa akin, hindi na rin ako nakapasok sa trababo dahil sa letching balita na kumakalat!




"I'll handle this, ako na ang bahala sa media. But you Zyra don't go out just stay here because media will chase you wherever you go." Sabi niya sa akin.




"But for now pumasok na muna tayo sa klase, hindi pwedeng manatili tayong apat rito it will annoy her." Dagdag pa ni Zake, naka upo lang ako sa sofa hindi alam ang gagawin. Ayoko nito!




"Ayoko! Babantayan ko si Zyra!" Agad na tanggi ni Zion.




"Pumasok ka Zion." Walang emosyong sabi ko sa kanya, at mas ayoko nito! Ayokong may nadadamay ng dahil sa akin! Nakita kong tumingin siya sa akin kaya tiningnan ko din siya.




Sa huli pumayag siyang papasok siya pero kailangang alam niya ang sitwasyon ko bawat minuto kaya inilagay niya ang cellphone ko sa tabi ko, pinapangako niya pa ako na di ako lalabas ng apartment ko para walang may masamang mangyari sa akin, at para na rin makaiwas ako sa media. Pumayag naman ako at nangako dahil ayaw kong makonsensya at sisihin ang sarili ko kung bababa ang grades ni Zion. Umalis na silang apat noong makitang umaalis na ang mga media at naiwan akong mag-isa sa loob ng apartment ko.




Nalaman ko rin ang tungkol kay Zeilan sinabi sa akin ni Zake, anak pala siya ng may ari ng 𝐀𝐑𝐂𝐄𝐎 𝐆𝐑𝐎𝐔𝐏. Kilala ang pamilya nila dahil sila ang nangangalawang nagmamay-ari ng maraming negosyo sa buong mundo kasunod ang 𝐌𝐄𝐍𝐃𝐄𝐙 𝐂𝐎𝐑𝐏𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, kaya ganoon na lamang ako habulin ng media dahil sa issue ko kay Zeilan na isang Arceo. Mailap maibalita sa media ang pamilya nila kaya nang malaman nila ang naganap doon sa mansion ng Mendez ay inalam nila ang tungkol sa akin dahil malaking issue daw iyon lalo na't dalawang bigating pamilya ang sangkot.




Pinatay ko ang TV dahil pati roon pangalan ko ang nakikita ko, napa upo naman ako sa sofa at napasabunot sa sarili.




Dati apelyido lang ng tatay ko ang naririnig at nakikita ko sa TV, ngayon pati ako. Baka ang sumunod ako bilang anak niya! At yon ang ayokong mangyari lalo na't alam kung masasaktan lang ako.

***

Tuwang-tuwa akong habang naglalakad pauwi ng bahay, ibabalita ko kasi kay Mama na 'na perfect ko yong Test namin matutuwa siya non!




"Ang kapal ng mukha mo para puntahan si Lorenzo! Hindi kana nadala sa ginawa ko sayo!"




"Kailangan ko lang makausap si Lorenzo, Scarlette!"
Agad akong napatakbo sa bahay ng marinig ang mga iyon.




"Mama!" Sigaw ko ng kaladkarin siya ng babae palabas ng bahay.




"Ito! Ito ang mapapala mo! Subukan mo pang lumapit sa kanya, hindi lang ito ang makukuha mo!" Saad ng babae habang hinihila si Mama palabas ng bahay gamit ang buhok niya, nakita kong nasasaktan si Mama kaya tumakbo ako palapit sa babae at hinili siya sa hita papalayo sa Mama ko. Maliit pa ako kaya di ko siya kaya pero sinubukan ko.




"Bitawan mo ang Mama ko!" Sigaw ko habang hinihila siya. Binatawan niya naman si Mama ngunit kinuha niya ako mula sa hita niya at hinawakan ang balikat ko masakit iyon kaya napatingin ako sa kanya na parang tutulo na ang luha ko.



Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now