𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 18: 𝑷𝒂𝒔𝒕

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

Katulad ng sinabi ni Zeilan pinuntahan ko siya sa classroom niya classmates sila ni Zake kaya alam ko, nginitian pa ako ni Levi ng makita. Aayain sana ako ng lima kumain sa labas pero umayaw ako dahil may pupuntahan kami ni Zeilan, gusto kong ipakilala siya kay Mama dahil gusto kung magpasalamat sa pagpapanatili niya kay Mama sa hospital nila.

"Tahimik ka ata." Kanina pa kasi siya tahimik simula ng pumunta kaming parking lot at umalis ng school, di naman sa gusto kung magsalita siya pero iba ang katahimikan niya ngayon eh.

"Auh wala may iniisip lang." Sagot niya bago ibinalik ang mata sa daan, tumaas naman ang kilay ko ng makitang sobrang higpit ang hawak niya sa manibela di ko nalang iyon pinansin at umidlip muna medyo malayo pa naman yong hospital nila.

Nagising ako ng yugyugin ako ni Zeilan, kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at napatingin sa paligid nasan kami? Napalabas ako ng kotse dahil hindi sa Arceo Medical Hospital kami bumaba kundi sa nakaraan ko, nakaraang bahay namin.

"Anong ginagawa natin dito Zeilan?" Takang tanong ko sa kanya na naka sandal sa kotse niya, "Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

Lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ko, "Bakit pamilya ba ang lugar na ito sayo?" Tumingin ako sa paligid, di pa rin nagbabago ang lugar andyan pa rin ang bahay namin sa loob ng 18 taon naka tayo pa rin ito pero may kalumaan na.

"Sobra, sobrang pamilyar." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko iiyak, magagalit, mangungulila, halo-halo matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan ko kahit hindi ko alam kung paano dahil ayokong balikan yon dahil, dahil bangugot ko iyon.

"Yong Mama mo Zyra, anong nangyari sa kanya?" Malamig ko siyang tiningnan na di niya ikinatinag sa pagtitig sa akin. "Dito kayo nakatira dati diba?" Tinulak ko siya.

"Anong alam?" Tinititigan niya lang ako. "Sabihin mo anong alam mo?!"

Tumalikod siya sa akin at nagpamulsa, "Nang mga araw ba na hindi pa siya nakahiga sa hospital, masaya ka?" Napayuko ako at ikinuyom ang mga kamao ko, sobra sobrang saya! At si Mama lang ang nakaka alam non.

"Naging maayos ba ang buhay niyong dalawa?" Napatingin ako sa kanya ng humarap siya sa akin. "Namuhay ba kayo ng normal?" Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong ang mga bagay na iyan pero di ko alam kung anong isasagot ko, Namuhay ba kami ng payapa? Naging maayos ba ang buhay namin? Masaya ba talaga? Iwan! Hindi ko alam at hindi ako sigurado!

"Bakit di ka makasagot?" Nagtama ang mga mata namin, "Kase hindi diba?" Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sakin para lapitan siya at sapakin.

"Wala kang alam sa buhay namin ni Mama!" Napangisi siya dahil sa sinabi ko nag dugo ang labi niya dahil sa lakas ng sapak ko.

"Bakit pinipilit mong itago ang nakaraan mo kung magagandang alaala ito? Diba kasama mo ang Mama mo sa nakaraan mo? Siya lang ang mahalaga sayo diba? Bakit parang ayaw mong balikan yon?"

"Tama na! Tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya at napaluhod parang nanghina ang tuhod ko sa mga sinasabi niya hindi ko kayang marinig yon dahil bumabalik lang sa akin ang alaala ko noon, ayoko non, ayoko na!

"Ano bang gusto mo?!" Tingala ko sa kanya "At ano ka sa buhay ko?"

Iniluhod niya ang isa niyang paa sa harapan ko at tinitigan ako sa mata, "Si Katharyn Arceo, Mama ko siya." Parang nawalan ako ng hininga dahil sa sinabi niya, Katharyn? Si Tita Katharyn?

"Namatay siya diba? Dahil sayo." Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan niya ako, siya ba? Wag niya sabihing......

Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now