𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 19: 𝑩𝒍𝒐𝒐𝒅

1 1 0
                                    

𝒁𝒆𝒊𝒍𝒂𝒏 𝑷𝑶𝑽

"Ma andito po ako alam mo ba kung sino yong kasama ko?" tumingin si Zyra sa akin "Si Ian po anak ni Tita Katharyn yong kaibigan niyo po?" hinawakan ni Zyra ang kamay ni Tita Amara.

Nasakandal lamang ako sa gilid habang pinapanood siya kausapin ang Mama niya, napatingin ako kay Tita Amara na naka higa sa patient bed marami ring aparatos ang nakalagay sa kanya na ikinakuyom ng kamao ko, you will pay for this Dad.

"Zeilan hindi mo ba kakausapin si Mama?" Napatingin ako kay Zyra ng tawagin niya ako dahan-dahan naman akong lumapit sa Mama niya at tiningnan.

"Ano gagawin ko?" Nakita ko kung paano siya napasinghap sa tanong ko kaya medyo nahiya ako, kahit alam ko na magkaibigan sila ni Mommy di ko siya nakausap dahil di ako pinakilala ni Mommy sa kanya.

"Iwan ko may gusto ka bang sabihin sa kanya?" Automatiko ko namang hinawakan ang kamay ng Mama ni Zyra, madami akong gustong sabihin pero alam kung hindi niya na ako maririnig.

"I'll take care of her." Maikling sabi ko nalang kaya napatingin si Zyra sa akin.

"Tara na nga lumabas na tayo dito, Ma alis na po kami ni Zeilan." Kinuha niya ang palapulsuhan ko at hinila palabas ng room ng Mama niya "Ayoko ng marinig yon." Huminto ako sa sinabi niya kaya humarap siya sa akin.

"Ayoko ng naririnig ang poprotektahan ako kasi..." binitawan niya ang kamay ko at huminga ng malalim "ayoko ng maulit ang nakaraan." At tiningnan niya ako sa mata.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya, nakaraan? Iniisip ba niyang di na mauulit ang nakaraan? Gusto kong sabihin sa kanya na, Zyra simula palang ito ng nakaraan hindi pa ito ang huli pero wala akong karapatang sabihin sa kanya iyon dahil hindi ako ang dapat na magsabi non sa kanya kaya kinuha ko nalang ang mga kamay niya at hinawakan.

"I'm sorry that's not what I mean." Wala siyang alam sa nangyari tama ang ginawa ni Tita Amara para sa kanya dahil inosente si Zyra doon.

"Ayoko ng balikan ang nangyari Zeilan kaya pwede bang tigilan mo na ang kakasabing proprotektahan mo ko?" No, hindi pwede ayoko! Pero hindi ko masabi sa kanya yan. Paano? Paano ko siya hindi poprotektahan kung namatay ang Mama ko para doon?

"Right you can protect yourself." Pero tama siya hindi niya ako kailangan para maging ligtas siya dahil alam ko sa huli ako rin ang magiging dahilan ng ikakahamak niya.

"Tara na nga, ayoko ng umiyak." Hinila niya nalang ako palabas ng hospital, sana ganito nalang kami walang iniisip na problema.

"Zeilan niligtas mo ba ako dahil sa Mama mo o kusa mo yon?" Tanong niya habang nagmamaneho ako I will brought her in my place, bakit palagi ko nalang siya sinasama sa lugar ko?

"Sabi ni Mommy." Tumango siya sa sagot ko pero aaminin ko ng makita ko siyang nakatulala habang pinapanood ang pangyayari sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya, kusa yon!

"Kung ganon galit ka sa Daddy mo?" Shit! Nakakalimutan ko na ata ang demonyong yon ang kapatid ko!

"Kahit kailan hindi naman ako nawalan ng galit sa kanya." Simula ng na buhay ako sa mundong to may galit na ako sa kanya.

"Mabuti kinakayanan mong....."

"Tatahimik ka o iiwan kita sa daan?" Ang daldal niya ngayon, pansin ko lang.

"Hindi na hahalikan?" Naehinto ko ang sasakyan dahil sa sinabi niya.

"Ay joke lang sabi ko nga tatahimik na ako eh." Agad niyang tinakpan ang bibig niya ng tingnan ko siya, sinadya niya bang sabihin yon?

Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now